Kabanata 16

226 2 1
                                    

Kabanata 16




“Dominique reported that you can ride a horse now Clary?” si Daddy habang nag lulunch kami. Maaga kasi akong gumising kanina dahil kay Lucky, naabutan ako ni Daddy na nagmamadaling bumaba galing sa kwarto ko kanina.

“Ah yes Daddy, Manong Tasyo help me.” He just nodded at hindi na nag-usisa pa. Silang dalawa na lang nina Mommy ang nag-uusap, habang ako nama’y nakikinig lang at panay ang tango kapag kinukuha ang sang-ayon ko.

Unang natapos ang dalawang kapatid saka sumunod ako. Agad akong tumungo sa kwarto upang tignan kung ano ang ginagawa ni Dominique ngayon. Napanguso ako nang makita ko siyang abala sa mga kabayo.

Hindi na ako nagpalit ng damit mula kanina. Maya maya kasi ay hihintayin ko pang lumamig ang hangin bago ako sumakay kay Lucky.

“Ngayon mo ba sila pakakawalan?” tanong ko habang inaayos niya ang tali ng isang kabayo. His wearing rug jeans, gray V neck T-shirt at boots. Pinigilan kong maiangat ang dulo ng labi ko habang pinagmamasdan siya.

Nagpunas siya ng kamay at bahagya akong nilingon. Nginitian ko lang siya ng tipid pero hindi niya iyon binalik.

Namamawis na ang noo niya at bago ko pa ‘yon masita ay agad niyang pinunasan iyon gamit ng kaniyang face towel na nakasampay sa kaniyang balikat.

Sa araw araw magkasama kami dito sa rancho, mas lalong lumalaki ang hanga ko sa kaniya. Kaya alam kong napaka swerte no’ng Yana dahil mayroon siyang isang nobyo na kayang gawin ang lahat ng bagay.

“Kumain kana ba?” umangat ang ulo ko sa kaniya. Tinuro ko ang sarili ko.

“Ha? Ako ba kausap mo?” tanong ko, tinaasan niya lang ako ng kilay pero mabilis naman iyong napalitan ng ngiti.

“Syempre ikaw, ikaw lang naman ang nandito,” aniya. Hindi ko alam, pwede ba akong kiligin? Pero paano kung hindi lang ako ang taong nandito? Malamang hindi naman niya ako kakausapin.

“Excited ka nabang maging Senior Highschool Student?” tanong ko sa kaniya. Ano kayang pakiramdam na college kana? Masaya kaya? Maganda?

“Ewan ko, hindi ko alam . Parang hindi ko pa nararamdaman.” Tumango ako at nag-isip pa ng ibang pwedeng itanong sa kaniya.

“Ikaw? excited kanang maging highschool?” ang mga mata ko ay nakapako sa kaniya. Nakatingin siya sakin habang pinapunasan ang pawis sa noo niya.

Kibit balikat lang ang sinagot ko. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung dapat ba akong ma-excite knowing na lilipat siya ng school after niyang Mag Grade 10.

“Bakita kailangan mo pa kasing lumipat ng school?” hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi siya usisain. Malamang talaga ay malulungkot ako dahil hindi ko na siya muling makikita.

“Kailangan Clary.” Napakagat ako sa ibabang labi. Marami akong gustong itanong sa kaniya ngayon.

“Upo ka muna, mamaya ko na lang pakakawalan ang mga kabayo dahil mainit pa naman.” Tumango ako at sumunod sa sinabi niya. Kinuha niya ang dalawang upuang nasa loob ng mga kwadra at nilabas iyon para makaupo kaming dalawa.

“Salamat,” sabi ko nang ilapag niya ang upuan sa tabi ko.

“Bakit nga kasi?” pangungulit ko. Sana hindi siya magalit dahil tanong ako ng tanong. Gusto ko na kahit ngayong summer vacation lang ay makilala ko siya ng lubusan dahil alam kong kapag pasukan na, bihira ko na lang siyang makita.

“Mag ta-trabaho kasi ako Clary, kailangan para makatulong rin ako sa mga magulang ka.” Natigilan ako sa sinabi niya. M-magtatrabaho siya? Hindi ba siya galing sa mayamang pamilya? Kaya rin ba siya namasukan rito?

When He Came✔️Where stories live. Discover now