Kabanata 24

217 5 1
                                    

Kabanata 24





“Yana! Tama na ‘yan!” lahat ay napatigil dahil sa sigaw ni Dominique. Doon ko mas naramdaman ang hapdi at sakit sa pagsabunot sa akin ni Yana.

“Isa ka rin eh!” halos matumba ako nang maramdaman ang pagbitiw sa akin ni Yana. Mabuti na lang at nasalo ako ni Ada na nasa likuran ko na pala.

“Ano bang pinagsasasabi mo?” giit ni Dominique. Nanlalabo ang mga mata ko habang hinahawakan pa rin ni Ada.

Nakatingin sa akin si Yana at nilipat ito kay Dominique, katulad ko magulo na rin ang uniform niya. Wala na sa ayos ang necktie at nakalabas na ang ilang bahagi ng blouse niya na naka tuck-in sa palda.

“Akala mo hindi ko nakikita araw araw na hinahatid mo ‘tong babaeng ‘to?” nanggagalaiting sabi niya. Nakayukom na ang kaniyang dalawang kamao. Napahilamos naman si Dominique habang nakatayo at kaharap si Yana.

Mas lalong dumami ang mga nanonood na estudyante kumpara kanina, kabi-kabilaan naman ang mga kumukuha ng litrato at video. Wala na bang magawa ‘tong mga ‘to at ginagawang pampalipas oras ang nangyayari ngayon?

“Ayos ka lang ba?” tanong ni Ada. Tinulungan kong makatayo ng maayos habang nasa gilid niya. Nakaalalay pa rin siya sa braso ko.

“Ayos lang ako,” tipid na sagot ko. Muli kaming napatingin sa direksyon ng dalawa.

“’Di ba napag-usapan na natin ‘to Yana?” halos manginig ako sa paraan ng pagkakasabi no’n ni Dominique. Napasinghap si Yana at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.

“Alam ko nique! Pero sana naman alam mong siya rin ang dahilan kung bakit tayo nag-away dati kung bakit nawala ang atensyon mo sa akin kung bakit tayo nag-hiwalay!” natigilan kami ni Ada, rinig na rinig namin ang singhap ng at mga bulung-bulungan sa paligid namin.

Ilang beses kong naririnig ang pangalan ko sa kanila.

Ako pala ang dahilan ng hiwalayan nila, gano’n na ba talaga ko ka desperada para sa atensyon ni Dominque? Gano’n ko na ba talaga siya ka-gusto na hindi ko man lang naisip na baka dumating ang araw na ‘to?

“See? Maski ikaw hindi moa lam! Kasi napaka selfish mo! ahas ka!” napapapikit ako at hinihintay ang atake ulit ni Yana pero ilang Segundo ang lumipas ay wala akong naramdamang kamay na dumapo sa mukha ko.

Minulat ko ang aking mga mata, napigilan ni Dominique si Yana para makalapit sa akin. Nakayakap ito sa kaniya habang umiiyak. Nanikip ang dibdib ko. Ano nang gagawin ko? hihingi ba ako ng sorry sa kanilang dalawa?

Tama bang umiwas na ako sa kaniya ngayon? Pero bakit ganito? Bakit ang hirap mamili? Bakit ang hirap sumugal? Bakit ang hirap bitawan ang isang bagay na nakasanayan mo na?

“Tara na Clary...” Naramdaman ko ang hawak sa akin ni Ada. Nilingon ko siya at nanghihinang umiling. Kumunot ang noo niya at malalim na bumuntong-hininga.

“S-sorry…” hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko para sabihin iyon. Natigil si Yana sa pag-iyak niya. Nakatingin naman sa akin si Dominique at nang tinignan ko siya pabalik ay iniwas niya ang tingin sa akin. Biglang sumakit ang puso ko dahil sa ginawa niya.

“Alam mo? marami pa namang iba diyan eh. Hindi naman talaga ako pumapatol sa mga katulad mong, bata.” Tumango at yumuko ako. Hindi na nagsalita pa.

“Wala naman talaga akong balak na gawin iyon sa’yo kaso sobra na eh. Sana man lang inisip mo na may Girlfriend iyong tao. Bata ka pa, marami ka pang magugustuhan na iba. Hindi iyong mas matanda sa’yo. Ang bagay sayo iyong mga katulad mong bata rin!”

“Yana!”

Tama lahat ng sinabi niya. Kung pwede ko lang turuan ang puso ko na sa iba nalang magkagusto ay matagal ko nang ginawa. Kung pwede lang na hindi ko pansinin si Dominique at iniwasan siya noon pa, ay ginawa ko na.

When He Came✔️Where stories live. Discover now