Kabanata 10

265 3 2
                                    

Kabanata 10





Napatunganga ang mga tao sa loob ng classroom. Si Yana ay naiwan ang kaniyang paa sa ere. Marahan na iyong binaba ang inayos ang pagkakatayo.

“I-ikaw pa la P-pres.. ano kasi uhm, hindi naman sa ‘yo ‘to ‘di ba?” sabay sabay na nagsiyukuan ang mga ka-klase niya. Nilingon niya ang mga iyon at pinandidilitan ng mata pero walang may naglakas  loob na samahan siya.

Napapikit ako nang marinig ang muling paglapat ng kaniyang paa sa sahig, papasok sa loob. Nagkanda ugaga ang mga tao sa loob at nagsi-unahang makalabas sa room. Naiwan ako, si Yana at si Dominque.

Mabilis ko lang siyang nasilayan dahil agad rin akong yumuko. Gusot ang bandang itaas ng polo niya at ang pawis ay tumutulo mula sa kaniyang leeg pababa sa may collarbone. Inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang magkabilang baywang habang nananatili ang tingin kay Yana.

Iyong mataray at nakakatakot na itsura ni Yana kanina ay bigla na lang naglaho. Nanginginig ang kaniyang labi at ang kaniyan mga kamay.

“Sinong nagsabi sa ‘yo na apakan mo ang damit ko?” mula sa pagkakayuko ay sing bilis ng kidlat na tumungo ang ulo ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

Otomatikong nailagay ko ang aking kanang palad sa bibig dahil hindi makapaniwala na sa kaniya pala ang damit na ginamit ko.

Kaya pala minsan ko nang naamoy ang pabango na iyon. Noong unang beses ay no’ng niligtas niya ako sa ginawa sa akin nina Gelo, at iyong pangalawa naman ay no’ng nabuksan niya ang pinto ng classroom namin.

Napakagat ako sa ibabang labi. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman dahil kitang kita ang takot sa mga mata ni Yana.

“S-sigurado ka? E-eh ang alam ko, hindi ka naman gumagamit ng mga ganitong bagay ah?” walang tigil na pag-aattitue niya. Naningkit ang mata ni Dominique at inihakbang ang kaniyang kanang paa papunta kay Yana.

“Ano bang alam mo sa ‘kin?” mabilis na umiling si Yana na parang pusang biglang napaamo. Umalog ang balikat niya at mabilis na tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay.

Hindi na niya napigilan si Yana nang umalis ito bigla. Nakatitig si Dominique sa damit niyang ngayo’y nasa sahig na. Punong-puno iyon ng alikabok at dumi katulad sa mga ginagamit naming basahan sa classroom.

“Uhm, ano lalabhan ko na ang ulit…” presenta ko. Yumuko siya upang pulutin ang mga damit sa sahig. Binalingan niya ako ng tingin at umiling.

“Hindi na, ayos lang ako na ang maglalaba.” Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa.

“Anong tinitignan niyo diyan? Tapos na ang palabas.” Napalingon ako sa likod dahil doon ang tingin niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang maraming estudyanteng nagsisiunahang makalayo mula sa classroom.

Kanina pa siguro nila kami pinapanood. Hindi na ako magtataka kung mamaya o bukas ay mas lalong maging malala ang tingin sa akin ng mga tao.

Malamang sasabihin nanaman nila sa akin na masyado nanaman akong naging papansin kay Dominique.

Bumuntong-hininga na lang ako. Hindi ko naman talaga sila masisisi eh. At mas lalong hindi ko sila pwedeng pilitin na maniwala sa akin. Na wala na man talaga akong kasalanan, at mas wala naman talaga akong ginagawang mali sa kanila.

“Grabe talaga kanina, hindi ko akalain na mapapaiyak ‘yong Yana na ‘yon! Isa siya sa mga pinaka warfreak sa section nila! kaya nga hindi na kita nakayang samahan kanina sa loob ng classroom nila dahil no’ng nakita ko siya sa loob ay umatras na ako, nakakatakot talaga!”

When He Came✔️Where stories live. Discover now