Kabanata 22

198 2 1
                                    

Kabanata 22





Puro discussions lang ang nangyari sa maghapon. Abala kami ng mga ka-group ko sa pagwawalis sa room. Nasa labas si Ada, marahil ay kasama si Neo. Hindi talaga ako makapaniwala na maayos na silang dalawa.

Buti na man at maagang naliwanagan si Ada sa mga nangyari, hindi ko rin lubos na maisip na may gusto si Neo sa kaniya. Nakakagulat lang dahil maski ako ay hindi nahalata si Neo.

“Ayos na ‘to Clary, wala naman na si Ma’am.” Si Maribell, nagtawanan ang iba sa kanila kaya napailing na lang ako.

“Hindi ba tayo rito pagagalitan?” tanong ko. Hindi pa namin lubusang nalinisan ang buong classroom. Ayaw na nilang magpunas ng mga bintana dahil anong oras na rin. Tinignan ko ang oras na nasa kamay ko.

Mag aalas-singko na pala, parang ang bilis naman ng oras? Kauumpisa pa lang namin dito pero parang walang nangyari. Puro kwentuhan sina Maribelle kanina habang winawalis ko ang kabilang row. Hindi sila masyadong gumagalaw kaya ako na ang gumagawa.

Lima kaming nasa loob ng classroom, ang tatalo ay nasa may hallway nagwawalis, hindi ko alam kung hanggang ngayon ay nagwawalis pa rin sila, baka hindi na. Nang matapos ang klase namin kanina ay mabilis na nagpaalam si Ma’am sa amin, kaya walang nagbabantay ngayon sa amin.

“Sige na, ako na ang bahala, kung gusto niyong mauna nang umuwi ayos lang, marami pa kasing hindi nalinisan,” sabi ko.

Pumalakpak si Maribelle pero hindi nakalagpas sa akin ang pag-irap niya. Humugot ako ng malalim na hininga. Kanina pa nila hinihintay na magsabi ako ng gano’n, halata naman. Kaysa nakatunganga sila sa harapan ko at pinapanood akong maglinis, mas mabuti ng umuwi na lang sila.

Mas pinapamukha pa nila sa akin na ako lang dapat ang gumalaw rito.

Mabilis silang nagsi-alisan sa harapan ko. Nagpaalam pa ang iba sa akin at nagpasalamat. Hindi na ako sumagot, alam ko namang plastik sila. Ilang taon na akong nag-aaral pero hanggang ngayon ay wala pa akong nagiging kaklase na matitino, lahat puro ayaw sa akin, except kay Ada na kaibigan ko.

Hindi ko alam kung anong problema nila sa akin, pero hinahayaan ko na lang.

“Oh? Bakit ikaw na mag-isa diyan?” tumigil ako sa pagwawalis at nilingon ang nagsalita. Si Ada pala, nasa hamba siya ng pinto at nasa tabi naman niya si Neo.

“Pinauwi ko na, wala rin naman silang ginagawa,” sabi ko. Umiling siya at dismayado akong tinignan.

“Kaya nasasanay sa’yo ang mga ka-klase natin Clary! Kailan ka pa ba magbabago?” napangiwi ako sa sinabi niya.

“Hindi naman Ada, siguro sadyang ayaw lang nilang maglinis, alangan namang pilitin ko baka awayin lang ako,” depensa ko sa sarili.

“Sige tulungan ka nalang namin para makauwi na tayo,” sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis ko siyang niyakap.

“Sigurado ka?” masaya kong tanong. Natatawa siyang tumango at pagkatapos ay nagsimula na kaming maglinis, tumulong rin si Neo sa amin kaya mas napabilis ang Gawain.

“Sino maghahawak ng susi?” tanong ni Ada. Muli akong sumulyap sa loob ng classroom at nang makitang maayos na ang lahat ay saka ko naman binalingan si Ada.

“Ako na lang siguro Ada,” sabi ko. Tumango siya at hinintay nila ako ni Neo hanggang sa ma-padlock ko na ang pinto.

“Tara na,” yaya ko. Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa makalabas kami ng building. May duplicate key naman ang mga janitor sa amin at pati ang mga Teachers pero kailangan rin ng duplicate key para sa classroom officers.

When He Came✔️Where stories live. Discover now