Kabanata 7

258 4 1
                                    

Kabanata 7





“Sige Ada, maiwan ko muna kayo ni Clary ok? Tex mo ‘ko kung gusto niyo nang umuwi.” Tumango lang kami ni Ada sa sinabi ni Ate Ria, iyong tinutukoy niyang kapatid na nag-aaral rin sa university.

Napapikit ako habang tumatama ng iba’t-ibang kulay ng ilaw sa paligid. Kakaunti lamang ang tao na nasa sala ni Vice-President dahil ang party raw ang nasa Pool. Nasa likod iyon ng bahay pero mamaya na lang daw muna kami pumunta doon sabi ni Ada.

Halos mapatalon ako sa tuwa nang payagan ako ni Mommy kanina. Nagpaalam ako sa kaniya matapos mag-reply kay Ada. Sinabihan lang niya ako na kailangan kong makauwi bago mag alas-dose ng madaling araw para hindi mapansin ni Daddy.

“Kaya kita pinayagan sweety dahil alam kong kailangan mo rin ng mga ganiyang kasiyahan. Hindi biro ang nangyari sa’yo no’ng nakaraan, basta promise me na hindi ka makikipag-usap sa kung sino sinong lalaki ok?” napapikit ako nang maramdaman ang halik niya sa noo ko.

She also helped me in choosing what dress should I wear for this party. Isang above the knee na baby pink dress ang sinuot ko. Halter daw ang tawag sa design no’n sa may leeg ko. I matched it with a my white quilted bag and a black pump.

Hinatid ako ni Manong Raoul sa sinabing address ni Ada kanina. Nang makababa ako at nakita ko na agad siya sa may labas ng gate.

Nalula ako sa laki ng bahay ni VP. Mula sa kinaroroonan naming ay rinig na rinig na namin ang hiyawan at tawanan ng mga studyante sa loob.

Nang makapasok na kami ay saka kami sinalubong ng ate ni Ada at nagpaalam rin nang matapos niya kaming makausap.

“Tara try na doon?” I look at Ada. She’s wearing a simple yellow sabrina dress at naka black na doll shoes. I admire her simple beauty. Gusto ko siyang sabihan kung gaano siya ka-ganda ngayon pero umuurong ang dila ko.

Hindi ko naman pansin kung may kakaiba siyang ikinikilos. Siguro oobserbahan ko pa sa mga susunod na mag araw.

“Tara Clary,” hinila niya ang kamay ko at wala akong nagawa para pigilan siya. Abala ang mga tao sa paligid namin dahil may sari-sarili na silang mundo. Halos lahat sila ay may hawak na mga wine habang nagkwe-kwentuhan.

“Ada, hindi pa tayo pwedeng uminom niyan.” Pigil ko sa kaniya. Nilingon niya ako at kinunutan ng noo.

“Pwede, ‘to naman ngayong gabi lang at saka malay natin ito rin ang huling pag-inom natin ‘diba?” aniya. Ang ngiti sa labi niya ay umabot hanggang sa mata. Manipis ang labi niya at katamtaman lang ang tangos ng ilong. Bilugan ang kaniyang mga mata at kulot ang buhok na aabot hanggang dulo ng tainga.

Hindi naman iyon nagmumukhang sabog dahil hindi naman sobra ang pagkakakulot ng buhok niya. Kaya maganda paring tignan kahit hindi niya ipitan.

Nanlaki ang mata ko nang makita siyang nag-abot ng isang baso ng alak. Hindi ko alam kung ano iyon dahil iba-iba ang uri ng mga alak na naka lagay sa lamesa. May mga baso na rin na nasa gilid kaya malaya kang kumuha.

Nilapit niya iyon sa kaniyang ilong at inamoy bago inumin ang buong laman no’n. Kulay pula ang likido no’n kaya pakiramdam ko ay isang wine iyon. Pamilyar kasi ang itsura dahil malimit kong makita tuwing may family gathering kami sa bahay.

Nakalugay lang ang buhok ko at hinati sa gitna. Pulbo at liptint lang din ang nilagay ko sa mukha ko. Ayoko namang maging kapansin-pansin sa mga tao na nandito lalo na’t hindi naman kami totally invited na mga elementary students.

At isa hindi rin naman ako kapansin-pansin.

“Anon a? Tikim ka lang Clary, eto oh,” inabot niya sa akin ang isang basong may laman ng wine. Pilit kong hinaharang angd dalawang kamay ko sa harapan niya pero pursigido siyang painumin ako.

When He Came✔️Where stories live. Discover now