Kabanata 17

194 5 1
                                    

Kabanata 17





Tulala akong naiwan sa may gilid ng malaking puno. Ilang sandali lang ay napag-desisyunan ko nang bumalik sa bahay.

Para akong lantang gulay na binalik si Lucky sa kuwadra niya. Hindi nagsasalita ang mga nakakasalubong ko, nagmamasid lang sila sa ginagawa ko.

Bakit gano’n? kung mahal mo ba talaga ang isang tao, kaya mong gawin ang lahat para sa kaniya?

Bakit? Hindi ba kaya ni Yana na umuwing mag-isa? At bakit naman siya naglasing kung alam niyang hindi niya kayang mag-drive pauwi?

Naririnig ko ang mapait na tono ng boses ko habang nakaharap kay Lucky. Pinunasan ko ang natitirang luha sa aking mga mata para hindi mapansin ni Mommy kapag nakauwi na ako sa bahay.

Wala akong ganang kumain nang kinagabihan. Nagpalusot na lang ako na busog dahil nagmeryenda kanina, kahit ang totoo ay kumakalam na ang tiyan ko.

Niyakap ko ang unan ko at doon sumubsob. Hindi ko na alam kung ilang beses na akong umiyak nang dahil sa kaniya. Ganito ko ba siya ka gusto at parang sa kaniya na umiikot ang mundo ko?

Ganito ko ba siya ka gusto na tila wala nang ibang laman ang isip ko kundi siya lang? alam kong may Yana siya pero hindi ba pwedeng gustuhin siya ng palihim? Hindi naman niya alam dahil wala akong sinasabi sa kaniya.

Naalala ko iyong mga pagkakataon na tumititig siya sa akin. Gusto kong kiligin ng mga oras na iyon dahil sa akalang nagiging pareho na kami ng iniisip pero mas lalo lang akong nadidismaya sa sarili dahil ang totoo’y kapatid lang ang turing niya sa akin.

Sino bang maniniwala sa akin? Sino ba ang mangangahas na magkagusto sa isang katulad ko? wala naman silang mapapala sa akin.

Natigilan ako.

Wala din palang mapapala sa akin si Dominique kung magugustuhan man niya ako. Pero napaka imposible namang mangyari iyon. Halatang halata naman na magkaiba kami ng pananaw.

At saka ilang taon ang agwat namin sa isa’t-isa, malamang iyong mga katulad ni Yana ang tipo niya. At hindi ang mga tulad ko.

“So, kamusta sa piling ni SSG President?” tinignan ko lang si Ada. Kumakain kami ng lunch sa canteen nang bigla siyang magtanong.

Buti nga at ka-klase ko parin siya ngayong Grade 7, hindi ko alam kung anong gagawin kung maghiwalay kami ng section.

Iyong iba naming mga naging ka-klase ay napunta sa lower section, kaming dalawa lang ni Ada ang nakasama sa pilot.

“Ayos lang naman,” sagot ko. Tumango siya at ininom ang tubig sa baso na nasa gilid niya.

Maingay ang canteen. Lunchbreak na kasi ng mga estudyante at sandamakmak na ang pumapasok para bumili at kumain.

Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana, nasa second floor kami ng canteen at kitang kita rito ang kabuuan ng quadrangle, maraming estudyante roon na naglalaro kahit sobrang init ng panahon.

Abala ang iba sa pagbabasketball at pagvovolleyball.

“Earth to Clary!”

Napapitlag ako nang alugin ni Ada ang magkabilang balikat ko.

“Ano nanaman bang iniisip mo? Ang lalim, baka hindi ka na makaahon niyan.” Bumuntong hininga ako.

“Nakita ko kasi sila ni Yana.” Umpisang kwento ko sa kaniya. Hindi ko na kayang itago sa kaniya ang totoong nararamdaman ko. Sobrang sakit kasi kapag mas lalo lang kinikimkim sa dibdib.

“Totoo?”

“Oo.” Pinaglalaruan ko nalang ang kanin sa plato ko.

Ilang linggo matapos ang nakita ko ay hindi na muling nagpakita pa si Dominique sa amin. Nagpaalam na siya kay Daddy dahil sakto ang isa’t kalahating buwan na pagtuturo niya sa akin. Pero kahit gano’n ay hindi ko pa rin maiwasang hindi siya hintayin sa may bintana ko.

When He Came✔️Where stories live. Discover now