Kabanata 11

246 4 1
                                    

Kabanata 11





Sabi nila, ang paglalaro ay isa sa mga bagay na kinahihiligan ng isang bata, kailangang hayaan mo silang magtatatakbo sa bukid, magbabad sa tubig, magtampisaw sa putik.

Pero ni isa doon ay hindi ko naranasan. Mula pagkabata, namulat ako sa mga desisyon ni Daddy. Kung ano man ang sasabihin niya ay iyon ang dapat na masuunod.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat at magkaroon ng awa sa sarili dahil gaya ng iba, isang ordinaryong bata rin naman ako.

Kung naranasan ko ba ang mga bagay na iyon, kung hindi ba ako namulat sa mga desisyon ni Daddy, makakasama ko ba si Dominique ngayon?

Walang pagsidlan ang saya ko habang ang dalawang braso ko ay nakapalibot sa kaniya. Pinalilibutan kami ng mga malalawak na taniman habang binabagtas namin ang daan pauwi.

“Ok ka lang ba diyan?” gumalaw ang ulo niya at bahagya akong nilingon. Mabilis lang iyon dahil abala siya sa pagtingin sa daan.

“Oo, ayos lang ako!”! kinailangan kong sumigaw para marinig niya. Nakikisabay kasi ang ingay ng hangin sa amin.

Nanlaki ang mata ko nang mas lalo pa niyang pinaharurot ang motor. Napakapit tuloy ako sa kaniya ng mahigpit. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko at ang pamamasa ng dalawang palad.

Hindi naman siguro niya mararamdaman na namamawis iyon ‘di ba?

Pero ang kasiyahan, kapag masyado kang nag-enjoy, mabilis lang ding mawawala sa’yo.

“Doon na lang sa malapit sa poste na ilaw,” sabi ko sa kaniya. Nakarating na kami pero sinabi ko na huwag akong ibaba sa mismong harapan ng bahay namin dahil panigurado ay makikita nila ako.

Ano naman ang sasabihin kung nagkataong gano’n ang nangyari hindi ba? Lalo na’t hind nakapagsisinungaling ang mukha ni Dominique. He has this soft yet matured look kaya kahit sinong tao ay masasabing mas matanda siya kaysa sa akin.

“Hatid na kita,” aniya. Inayos ko ang palda ko nang makababa ako sa motor, inalalayan niya pa rin ako pero natulala nang sa sunod niyang sinabi sa akin.

“Huh? A-ano hindi na, diyan lang naman oh,” turo ko. Nilingon niya ang bahay namin na tinuro ko. Doon bumaling ang atensyon ko at nanatili.

Naramdaman ko ang mabibigat niyang titig sa akin pero hindi ako nagpatinag at nanatili sa bahay ang atensyon.

“Sigurado ka?” tumango ako at tinignan na siyang muli.

“Sige”

“Sige”

Napatingin kami sa isa’t-isa nang marinig ang parehong salita. Pasimple akong tumingin sa gilid ko dahil ayokong makita niyang namumula ako. O kahit makita niya ayoko naman siyang bigyan ng malisya.

“U-una na ako?” hindi ko alam kung bakit ako nagpapaalam sa kaniya. Well hinatid niya ako ng ligtas at maayos pero kailangan bang maging malambing sa pamamaalam?

Lihim akong napailing dahil sa naisip.

Ang kaniyang mga kamay ay nanatili sa hawakan ng motor at hindi rin niya inalis ang helmet niya, iyong akin lang. Tinulungan niya akong tanggalin iyon kanina.

“Sige.” Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng imahinasyon ko o sadyang narinig kong naging malambot at malambing ang paraan ng pagsabi no’n sa akin.

Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa paalis nang matigilan ako. Hinila ko ang strap ng bag ko na nasa balikat ko at tinignan ang libro. Nakita kong lumingon siya doon.

When He Came✔️Where stories live. Discover now