Kabanata 13

216 5 1
                                    

Kabanata 13





Hindi katulad kanina, ay nagkusa na akong bumaba sa kabayo. Alam kong nagulat siya dahil akma pa niya akong sasambutin pero minuwestra ko ang aking kamay palayo sa kaniya.

Kunot ang noo niyang pinapanood akong inaayos ang sapatos at damit ko. Hahawakan na sana niya ako nang bigla ko siyang nilingon at tinitigan nang masam. Ang pagkakakunot ng kaniyang noo ay nawala at napalitan ng pagkalambot ng itsura niya.

Tila ba natauhan siya sa dapat na gagawin kaya mabilis na nag-sorry at umatras. Kumirot ang puso ko sa inakto niya pero hindi ba dapat iyong sarili ko muna ang bigyan ko ng atensyon ngayon?

Alam ko naman nang iyon ang magiging tingin ng ibang tao sa tuwing nakikita kaming dalawa na magkasama pero hindi ko alam na ganito pala kasakit kapag siya na mismo ang nagsabi.

Ngayon naliwanagan na ako. Kailangan ko nang dumistansiya sa kaniya. Naririnig kong tinatawag niya akong ‘Senyorita’ pero hindi ko siya nililingon. Nakasalubong ko ang iba naming trabahador at hindi ko sila nasuklian ng ngiti at pagbati.

Umasim ang timpla ng mood ko ngayon. Hinilot ko ang magkabilang sentido ko habang paakyat sa may kwarto. paano ko pala siya iiwasan at papaano ako didistansiya sa kaniya kung kagustuhan ni Daddy na matuto ako sa pangangabayo?

Pwede ko namang sabihin kay Daddy na papalitan na lang siya o ilipat sa ibang gawain pero ano ang sasabihin ko kung magtatanong siya sa akin?

Ayoko namang magsinungaling sa kaniya dahil tiyak mapapagalitan lang din ako.

Marahas kong tinanggal ang jeans ko na may putik at ang damit ko. Mabuti na lamang ay hindi ko nakalimutang tanggalin ang sapatos sa may sala. Hindi ko iyon pwedeng ipasok dito at marurumihan ang sahig ng kwarto ko.

Initsa ko ang lahat ng nakadikit sa akin at naiinis na hinayaan ang katawang mabasa ng tubig sa shower.

Marahas kong pinili ang mga luhang nagsisimula nanamang kumawala sa akin.

Bakit ba gano’n?

Ganito na ba kasakit kapag may gusto ko sa isang tao? Paano kung mahal mo na? e di parang mamamatay kana sa sobrang sakit?

Yumuko ako at pinikit ang mga mata. Dinadama ko ang mararahas na agos ng tubig sa ulo ko pababa sa katawan. Napatitig ako sa tubig na dumadaloy sa sahig. Naalala ko ang isa sa mga sinabi sa amin ni Ma’am Emily dati.

“Kung nakakaramdam ka ng sakit, ibig sabihin lang no’n ay humihinga ka pa, na buhay ka pa.” isang araw nang mag-share ang isa naming ka-klase tungkol sa napanood niyang movie. Assignment kasi namin iyon at kailangang ikwento kung ano ang mga natutunan mo.

Iyon na ba ang nararamdaman ko? kailangan ko bang magpasalamat sa nangyari sa akin dati? Dahil nakaramdam ako ng sobrang sakit ibig sabihin ay buhay pa ako.

Mapait akong napangiti.

Hindi ba pwedeng sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman mo ay nasasanay na rin ang katawan mo at kapag sa susunod na makakaramdam ka ulit at balewala na?

Hindi naman ako manhid, pero pakiramdam ko kailangan ko na iyong pag-aralan.

Hindi ko alam kung tama bang nag-aassume ako ng mga bagay na ko lang ang nakakakita? Ako lang ang nakakaramdam? At hindi pansin ng iba?

Masama bang umasa na balang araw ay magiging pareho kami ng nararamdaman ni Dominique? Gusto ko siya, labis labis ang nagiging epekto niya sa akin sa tuwing malapit kami sa isa’t-isa. Masama na ba iyon?

Bigla kong naalala si Ada, ilang linggo na ang nakalipas mula noong huli kaming magkita. Sa recognition day pa iyon. na-realized ko kung gaano siya kabuti bilang isang kaibigan. Naisip ko kung gaano ako kaswerte sa kaniya dahil napili niya ako bilang kasama at karamay niya.

When He Came✔️Where stories live. Discover now