Kabanata 39

273 5 1
                                    

Kabanata 39




Kung magmamahal ba tayo ng isang tao kailangan rin bang maging masokista? Iyong kahit anong sakit na binibigay niya ay tatanggapin at titiisin natin dahil nga mahal natin siya?

Paano ba ang magmahal na hindi kinakailangang manakit nang ibang tao? Paano magmahal na walang sinasaktan na ibang tao? Hindi ba’t iyon naman ang sabi nila? kapag nagmahal tayo, kapalit no’n ay sakit? Pero kahit anong pilit kong isipin iyong gano’n ay parang lagging first time na nangyayari sa akin.

Kung magmamahal ka dapat handa ka nang masaktan, handa ka na sa kung ano mang pwedeng mangyari, pero paano naman iyong mga taong unang beses lang magmahal? Paano nila malalagpasan iyong gano’ng pagsubok?

Hindi ba dapat alam ng taong minamahal niya na dapat ‘wag siyang sasaktan nito? Pero bihira lang iyong mangyari. Mahirap nang magmahal ngayon kung walang panglolokong nagaganap.

Sabi ng iba, ang boring ng isang pagmamahalan kung hindi nagloloko iyong isa. Ibig bang sabihin no’n sa mga panahong magkasama kami ni Marcus, na-boringan siya sa akin?

Bakit hindi niya sinabi? Baka magalit ako? baka magtampo ako? nanaisin ko pa bang magtampo o magalit kung ganito lang din ang kahihitnan namin?

Nakatitig ako sa kurtina na sumasabay sa hangin na nanggagaling sa labas ng bintana. Maaliwalas ang panahon ngayon, magandang maglakad lakad sa labas pero wala akong gana, tila ba nawalan ako ng lakas sa lahat.

Saan na iyong sinasabi kong hindi ako bibitaw sa amin ni Marcus? Ilang beses na ba niyang sinabing mahal niya ako? pero ilan lang din ba doon ang totoo?

Hindi ko na alam kung anong pwede pang gawin. Magkakaanak na sila. Akalain mo ‘yon? Bakit hindi ko naisip na sa tuwing hindi kami nagkikita ni Marcus ay malamang may nangyayari sa kanilang dalawa ni Diana?

Nakakatawa talaga, gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Kailan ba ako matututo? Kailan ba ako makukuntento sa pamilya na palagi lang ding naman nandiyan para sa akin?

Kailan kong tatanggapin ang katotohanan na hindi lahat ng bagay ay para sa akin? Na oo nga’t pinagtagpo kami pero hindi naman pala kami itinadhana?

Kailan ko maiisip na hindi pa siguro ito ang panahon para sa akin? Na hindi pa ito ang tamang panahon para sa lahat? Na baka ako lang talaga ang nagmamadali? Ako lang ang may tanging mali sa lahat ng bagay na inakala kong tama?

“Clary,” tawag sa akin ni Ate Therese. Ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto, kumakain ako pero kakaunti lang. Wala akong gana. Pakiramdam ko ay nawalan na ako ng gana sa lahat, parang gusto ko na lang humilata sa kama buong araw.

Parang gusto ko na lang isiping gigising ako at muling matutulog. Gano’n na lang para hindi hassle, para walang problema, para wala akong taong naapakan at nasasaktan nang dahil sa akin.

“Clary…hanggang kailan ka ba magiging ganito? Nandito lang kami ni Ate,” aniya. Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko. Nakahiga ako at nakatingin lang sa katapat kong bintana. Kanina pa ako gising at kanina pa rin nila ako tinatawag pero hindi ako makasagot.

Bakit gano’n? hindi ko maibuka ang bibig ko pero sobrang ingay ng utak ko? hindi ako makapagsalita pero kinakausap ko ang sarili ko?

Wala na akong maramdaman, hindi ko na alam kung ano ang pakiramdam na maging masaya, na maging malungkot at iba pa. Nakakasawa na rin kasi, nakakasawa nang umiyak ng umiyak kahit alam mo namang wala ring mangyayari.

Nakakasawang magmatigas at magmakaawa kung sa huli ay hindi lang din ikaw ang pipilin.

Malapit na ang kasal ni Marcus, anong magandang damit kaya ang pwede kong isuot? Para naman hindi nila masabi sa akin na hindi ako nakikipag-cooperate sa kanilang dalawa. Ininvite pa ako ni Diana, hindi ko naman pwedeng hindian.

When He Came✔️Where stories live. Discover now