Kabanata 20

244 3 1
                                    

Kabanata 20



Napakagat ako sa ibabang labi. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya ang bigat ng mga titig niya.

“Totoo nga?” umawang ang labi ko. Bakit ba niya gustong malaman? Ano naman sa kaniya kung totoo mang nililigawan ako ni Neo? Alangan namang pagbawalan niya ako kung sakali? Hindi naman ko naman siya ka ano-ano.

Umigting ang panga niya, pinapanood niya ang mga jeep na sunod sunod na nagsisi-alisan. Wala pa ring tigil sa pagbuhos ang malakas na ulan.

“Basta sabihin mo lang sa akin kapag may ginawang hindi maganda ah?” sabi niya. Namamangha ako habang nakatitig sa mukha niya. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa mga jeep. Nakakunot ang kaniyang noo, ano kayang iniisip niya?

Gusto ko namang sabihin na hindi naman talaga nanliligaw sa akin si Neo, bakit hindi ko masabi sa kaniya? Bakit parang may pumipigil sa aking gawin ‘yon?

“B-bat nandito ka pa?” ilang beses ko pang pinag isipan kung anong itatanong sa kaniya. Kahit ilang beses kong sinubukang sabihin ang tungkol kay Neo ay hindi nakikisama ang bibig ko, pwera na lang kung ibang topic tulad nito.

“May ginawa lang sa Library,” aniya. Mas malamig pa sa hangin na dala ng ulan ang boses niya. Hindi ko siya maintindihan, gano’n na ba ka big deal kapag may hindi ako nasabi?

Alam ko naman na kapatid lang ang turing niya sa akin, hindi ‘yan nawawala sa isip ko pero sana naman hindi sumobra, iyong tipong parang totoong kuya ko na siya.

Ang malalaki at malalakas na mga patak ng ulan ay unti-unting humina, hanggang sa bigla na lang iyong nawala. Basang basa ang kalsada at ang ibang bahagi naman ay may naipong tubig ulan.

“Halika na.” natigilan ako, nabaling ang atenyon ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon pero alam kong narinig ko siyang nagsalita.

“T-teka lang,” pigil ko. Bigla kasi siyang tumayo, nakatalikod siya sa akin at nakapamulsa ang isang niyang kamay sa bulsa ng kaniyang slacks at ang isa naman ay nakahawak sa kaniyang bag.

Malapad ang likod niya, basang basa pa ang white uniform niya dahil sa ulan kaninaa. Kaya kitang kita ko ang katawan niya sa loob. Hindi na tumutulo ang tubig sa dulo ng buhok niya, hindi na kasi gaanong ka basa ang buhok niya.

Bumaba ang tingin ko sa panyo na nasa kamay ko. I purse my lips at binalik iyon sa bag ko.

“Ihahatid na kita.” Napakagat ako sa ibabang labi at napayuko. Uminit ang magkabilang pisngi ko pero mabuti na lang ay hindi siya nakaharap ngayon.

“W-wag na, may j-jeep naman,” pag tanggi ko. Gumalaw ang ulo niya at nilingon ako, mabilis lang iyon dahil bumaling sa mga jeep ang kaniyang mga mata, nakatalikod pa rin siya sa akin.

Yumuko siya at tinignan ang oras sa relo niya, alam kong waterproof iyon dahil nakita ko ang pangalan ng isang kilalang brand.

“Mag a-alas singko na. Wala nang jeep papunta sa inyo.” Matigas na sabi niya. Paano naman niya nalaman? Hindi naman siya nakatira sa amin? Pwera na lang kung…

“Alam ko ang oras ng mga jeep rito Clary kaya ihahatid na kita.” Nagsimula na siyang maglakad at nakita ko na lamang ang sarili kong sumusunod sa kaniya.

“A-ako na lang ang mag hawak ng bag mo?” alok ko. Nasa harapan na namin ang motor niya. Lumambot ang puso ko nang may maalala sa motor niya.

“I-ito rin ba iyong pinanghatid mo sa akin noon?” walang katiyakang tanong ko.

Tumango lang siya at hindi nagsalita, hindi niya binigay sa akin ang bag niya bagkus at sinuot niya ang strap no’n sa harapan niya. Tumingin siya sa akin pero umiwas ulit.

When He Came✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang