Kabanata 35

246 4 1
                                    

Kabanata 35





Now I know, kaya ba hindi niya ako magawang ipakilala agad kanina kahit man lang doon  sa security guard sa baba? Doon sa mga taong nagtatrabaho sa ground floor? At mas lalo sa secretary niya? Dahil ikakasal na siya? How dare him?

I trusted him pero bakit ganito pa ang ibabalik niya sa akin? Bakit ganito pa ang ipapakita niya sa akin? Baka naman kaya siya nasa amerika noon ay para makipag kita sa iba rin niyang babae? Baka hindi lang si Diana ang babae niya? Baka puro mg aka-age ko lang din iyong iba?

What the hell?

Hindi ko pa rin ba siya totoong kilala?

“C-clary!” hindi ko siya nilingon at dire-diretso kong tinungo ang elevator na sinakyan namin kanina. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ng tingin ni Yohan at ang ibang mga empleyad na nagtatrabaho sa kani-kanilang mga cubicle.

Malamang sinong hindi mapapatanong at magtataka kung bakit may 17 years old na babae ang nasa office ni Marcus James Ian Gabriel Pachoco?!

Wala namang nasabi sa akin dati si Ada na womanizer itong si Marcus, ang sinabi niya lang ay nakakatakot siya pero hindi naman gano’n ang nararamdaman ko towards him!

At kahit kailan ay hinding hindi na ako matatakot sa kaniya now that I know his real shit? Ngayon pa?

“Don’t follow me!” I yelled to him, napasinghap ang karamihan sa mga taong nando’n at napatigil si Marcus sa paghahabol sa akin. I manage to enter in the elevator nang malapit nang magsara ang pinto no’n ay hindi nakaligtas sa akin ay nakakalokong ngisi ni Diana as she warped her hands around Marcus shoulders.

Nakakagigil! Gusto ko siyang saktan! Gusto ko siyang sampalin! Pareho silang dalawa, magsama sila! I’m done with his game.

Kung noong una ay sinabi niya sa akin na isa lang palang laro ito edi sana walang sakitan na nangyayari but hell. Ako iyong agrabyado rito dahil ako iyong mas lalong nasasaktan hindi naman siya!

Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko sa aking mata habang nagmamadaling lumabas mula sa building, saan ako pupunta ngayon? Hindi ko alam kung paano umuwi. Dapat pala kanina tinandaan ko kung saan kami dumaan ni Marcus nang papunta kami dito.

Tumakbo ako sa may gilid ng kalsada. Sana may dumaan man lang kahit na motor o jeep dito para makaalis na ako. Ayoko siyang makita! Naiinis ako hindi ko alam kung anong pwede kong magawa sa kaniya kapag nakita ko pa ulit siya.

Wala akong mahintay na jeep o ibang sasakyan na dumaan. Tirik na tirik ang araw pero kailangan ko nang makaalis dito. I want to visit my Mom and Dad, pati na rin si Ada.

Ano bang karapatan nilang paglaruan ang buhay ko?

Sana namatay nalang ako katulad nang nangyari kay Ada, sana nabaril na lang ako ng isa sa mga tauhan ni Mayor Ramirez noong shoot out para wala nang problema.

Ilang beses kong tinangkang umagaw ng baril sa isa sa mga militar noon pero hindi ko magawa dahil magkabilaan ang nagbabantay sa akin.

Bakit ba kailangang ako ang matira at maramdaman lahat ng ito? Kung hinayaan ko ba si Marcus na kunin niya ang pagkatao ko noon ay hindi ganito ang mangyayari? O baka ganito rin pero ang kaibahan nga lang ay maaga niya akong iiwan?

Later on I found myself walking on the side of the road. Unti-unti kong nararamdaman ang pananakit ng paa ko.

“Ouch!” tinignan ko ang bato sa paanan ko, how come na hindi ko ito nakita kanina? Naiinis na dinampot ko iyon at binato sa kalsada.

Umupo ako sa lupa at tinanggal ang strap ng heels ko, bakit ba ako nagsuot nito? Sana nag jeans na lang ako at nag-rubber shoes para hindi hassle.

Basang basa na ako ng pawis dahil sa sobrang init. Nangangati na rin ang katawan ko dahil sa lecheng damit na suot suot ko!

When He Came✔️Where stories live. Discover now