Kabanata 14

215 4 1
                                    

Kabanata 14





Nagalit si Daddy kinabukasan. Pero sinabi ko sa kaniya na walang kasalanan si Dominique. Narinig ko kasi na balak niya itong sesantehin. Buti na lamang ay narinig ko, dahil kung hindi ay hindi ko na makikita si Dom ngayong araw.

“Hayaan mo na Gregorio, kasama ‘yan sa pagkatuto niya. Magpasalamat na lamang tayo at wala ibang napuruhan sa kaniya,” ani Mommy.

Nasa sala kami ngayon. Nasa pang isahang sofa ako samantalang silang dalawa ay nasa mahabang upuan. Wala ang dalawang ate ko kaya kaming tatlo lang ang nandito ngayon sa bahay.

Nang makauwi kasi sila kagabi galing sa meeting na ka-sosyo ni Daddy ay agad sinabi ni Manang Gina ang nangyari sa akin. Mabuti na lamang at tulog na ako nang makauwi sila kagabi kaya hindi ako napagalitan.

Kanina nang magising ako ay naririnig ko silang dalawa sa sala na nag-uusap tungkol sa balak ni Daddy na paalisin si Dominique rito. Kaya doon na ako naglakas ng loob para lumabas ng kwarto at kausapin sila.

“Tama naman po si Mom, Dad.” Nilingon ako ni Daddy at dismayadong inilingan.

“Alam nating pareho na ikaw ang may gusto nito Gregorio, sinabihan na kita noon na baka delikado kay Clary pero ano? Hindi ka nakikinig sa akin! Iyon na nga lang ang tanging trabaho ko sa bahay na ito!”

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makita silang dalawa na nag-aaway. Naninikip ang dibdib ko sa tuwing ganito silang dalawa nang dahil sa akin. Napapansin ko rin na tila ba ako ang nagiging dahilan sa tuwing may ‘di sila napagkakasunduan.

“H-hindi naman po ako masyadong nasaktan Daddy, at saka ayos lang po dahil mabilis naman po akong nahabol ni Dominique.” Tumayo si Daddy at hinilot ang magkabilang sentido niya gamit ang hinlalaki ang hintuturo niya sa kaniyang kanang kamay samantalang ang isa niyang kamay ay nasa baywang niya.

Humapdi ang puso ko habang tinitignan silang dalawa. Naka sweat pants lang si Daddy at naka white na T-shirt habang si Mommy naman ay naka white dress lang.

Nilingon ko si Mommy. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha at tinanguan ako. Napayuko ako. Hindi ko naman talaga inaasahan na mangyayari iyon. Sa ilang araw na pagsakay ko kay Giya ay naging maayos naman ang pagpapatakabo namin sa kaniya ni Dominique.

Pero bakit gano’n? bakit noong ako na mag-isa ang nakasakay at kumokontrol sa kaniya ay para bang bigla siyang nag-iba?

Sinabi sa akin ni Domnique noong nakaraan na bago pa lang niya ako turuan ay nakailang beses na siya na nakasakay kay Giya. Maayos naman sabi niya kaya walang magiging problema kung siya ang gagamitin ko.

Umangat ang tingin ni Mommy kay Daddy, at walang sabi-sabing umalis ito sa aming harapan at umakyat patungo sa second floor ng bahay.

“Pagpasensyahan mo na ang Daddy mo ok? Nag-aalala lang talaga siya nang malaman namin ang nangyari kahapon. Kamusta na ang balikat mo?” nilingon ko ang aking balikat at may nakalagay doon na parang tela pero stretchable. Pamilyar ito sa akin dahil parang ito ang ginagamit ng mga volleyball player na napapanood ko sa TV namin minsan.

“Ayos naman na po ako Mommy. At saka naiintindihan ko naman po kung bakit gano’n si Daddy,” malungkot kong sabi sakaniya.

“Come Here sweetheart,” utos niya. Kahit nagtataka ay ginawa ko ang sinabi ni Mommy. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa hita niya.

Hindi ko alam kung saan ang galing mga mumunting hikbi ko.

“Shhh, ayos lang ‘yan baby ko, tahan na ok?” tumango ako at mas lalong napaiyak nang higitin ni Mommy and katawan ko at niyakap ako. Mahigpit rin akong kumapit sa likod niya na para bang batang hindi napagbigyan kaya umiiyak.

When He Came✔️Where stories live. Discover now