Kabanata 31

216 3 1
                                    

Kabanata 31




Marami kaagad ang tao nang makapasok ako. Nakita ko agad si Ada at agad nanlaki ang mata niya nang makita ang kabuuan ko.

We both praise each others beauty, hindi maipagkakaila na sobrang ganda rin ni Ada ngayon. She curled her hair and she has this seductive look tonight!

Panay ang tinginan sa amin habang papaunta kami sa may Quadrangle, even Neo was very handsome to night, his tie matched with Ada’s black dress kaya bagay na bagay talaga silang dalawa.

Hindi nagtagal ay nakaupo na kami sa assigned seat namin lahat ng mga estudyante ngayon ay magaganda sa suot-suot nilang gown. Gown kasi ang required sa aming mga junior highscool samantalang cocktail dress naman sa senior high.

Nagsimula na ang programa, panandalian ko namang nilibot ang paningin ko. Makulay at elegante ang designs na ginawa nila. Nasa stage ang malaking tarpaulin para sa tema at title ng occasion namin ngayon. May mga paper balloon type na parang nakalutang sa ere na nagsisilbing ilaw sa kabuuan ng quadrangle.

May red carpet sa gitna bilang paghahanda mamaya sa pagdating ng dating king and queen of the night. Kada prom naman ay gano’n ang kalakaran nila. Hindi ko lang alam kung paano sila babase para magtanghal ng King and Queen mamaya.

Natapos ang ilan sa mga guest speaker na nagsalita until the Master of Ceremony announce the stat of the main program tonight.

Nagpalakpakan kami nang unti-unting napuno ang space sa gitna ng quadrangle. Mag-uumpisa na ang rigodon, at makikita ko nanaman si Dominique. Dito kaya ang pwesto niya?

Nasa kanan kaming bahagi ng quadrangle, kaharap namin ang flag pole at ang Centennial building ng mga 4rth year highschool.

Nagsimula na ang kanilang performance, bawat galaw nila ay sumusunod sa saliw ng isang magandang musika. Hindi nagtagal ay nagsimula na silang magpalit ng kapareha, ang mga babae lang ang umaalis sa pwesto habang ang mga lalaki ay nanatili sa kanilang kinatatuyan.

Hindi ko nakita si Dominique, sa dami ng estudyanteng sumasayaw ngayon sa gitna ay imposible ko siyang makita.

Ilang sandal ay natapos na ang kanilang pagsasayaw. Tumayo kaming lahat at pinalakpakan sila. May nagsalita muli galing sa guest speaker namin tonight, halos antukin ako dahil sa haba ng speech niya.

“And let’s start the real party tonight! Dance for all!”

Naging alisto ang lahat, napailing ako dahil halatang halata na ito ang kinahihintay ng karamihan. Magbubutas lang ba ako ng upuan ngayon?

Pinapanood ko ang ibang mga estudyanteng nagsisimula nang sumayaw sa gitna, nagsimula nang patugtugin ang kantang perfect ni Ed Sheeran. Nangingiti ako lalo na nang alukin na ni Neo si Ada, pumalakpak pa ako para sa kaibigan.

Halos iilan na lang kaming natira sa upuan namin, hanggang sa may isang palad na bumungad sa harapan ko. Tumingala ako at nagulat nang makitang si Mark pala iyon. Noong una ay alinlangan pa akong tanggapin ang kamay niya pero tinanggap ko rin nang marinig ang kantyawan ng mga kaklase ko sa amin.

“Ang ganda mo lalo Clary,” aniya. Ngumiti ako at iniwas ang tingin. Ang awkward naman pala ng ganito, akala ko madali lang makipag sayaw kahit sa kakilala mo pero hindi ko akalain na ganito ka awkward.

“Ikaw rin Mark, mas pumogi ka ngayon,” balik puri ko sa kaniya. Namula ang pisngi niya at umiwas ng tingin. Natawa ako ng bahagya sa ikinilos niya.

Hindi kami masyadong nagtagal dahil may humiram muli ng kamay ko, hindi ko siya kilala pero tingin ko kay galing sa kabilang section. Akala ko ay doon na matatapos hanggang sa may sumunod ulit na galing naman sa senior high hanggang sa nadagdagan ng nadagdagan.

When He Came✔️Where stories live. Discover now