Kabanata 36

247 3 1
                                    

Kabanata 36





Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihing sa tuwing magkasama kami ni Marcus ay hindi dumaan minsan sa isip ko si Dominique, kahit na malaki ang nagawa niya sa akin noon. Napapatigil na lang ako everytime he tries to kiss me. Pero ngayon unti-unti ko nang natatanggap ang lahat.

May mga bagay tlaga na hinid natin pagmamay-ari at kahit kailan ay hindi magiging sa atin. May mga bagay na nasa iyo na pero hindi mo mamamalayan na unti-unti na palang nawawala. Dadaan lang para bigyan ka ng leksyon, oo masakit pero kailangan iyon.

Humugot ako ng malalim na hininga habang nakatitig sa cellphone ko na nasa kama. I get it and decided to call Marcus, hindi ko na hahayaan pang maging laruan na lang. Alam ko sa sarili ko na kailangan kong pakinggan si Marcus, hindi lang ako.

Kailangan kong malaman kung anong sasabihin niya sa aking paliwanag, saka ako magdedesisyon na hindi bumitaw sa aming dalawa.

“C-clary, baby…” his warm and soothing voice welcome me. Oo nagtatampo ako hanggang ngayon dahil hindi man lang niya ako sinundan kanina, hinayaan niya akong umalis. Nakakainis.

Umupo ako at pinaglaruan ang bedsheet ng kama.

“I want to talk to you Marcus,” bungad ko sa kaniya. Lumalim ang paghinga niya. Natutulog na kaya siya? Pero masyado pang maaga. It’s still 9 in the evening.

“Yes, Baby. Ngayon na ba?” he asked. Handa na ba akong kausapin siya ngayon? Pero ayoko namang istorbohin ang pahinga niya. Alam ko na hindi biro ang binigay sa kaniyang responsibilidad pero sana hindi niya makalimutan na nasa tabi pa rin niya ako kahit anong mangyari.

“No, bukas na lang.”

“I’ll fetch you?” saan ba kami mag-uusap? Sa office na lang kaya niya?

“Sure, 8 in the morning.” I answered and I didn’t  wait to answer back dahil binaba ko kaagad ang tawag.

Napayakap ako sa cellphone ko habang nakatingin sa maliwanag na buwan na nasa labas ng bintana.

Bukas, mag-uusap na kami. At sana masabi ko lahat sa kaniya ang mga gusto kong sabihin, bukas malalaman ko kung worth it pa ba itong relasyon namin. Kung totoo bang ikakasal na siya o talagang nagsisinungaling lang sa akin iyong babaeng iyon.

Morning came at nag-ayos talaga ako para harapin siya. I am wearing a white and grey blouse with a cap short sleeve , mini skirt and a D’ orsay shoes.

My hair is in a tight bun. I just put a light make up para hindi naman ako magmukhang pale sa harapan niya. After a while, my phone beep at nakita ang message ni Marcus na nagsasabing nasa harapan na siya ng gate ng bahay. I get my quilted bag at lumabas na sa kwarto.

Bumaba na ako matapos kong tignan kung maayos ang pagkakalagay ko ng Pink lipstick sa labi. Sinalubong niya agad ako ng mahigpit na yakap, pero hindi ko iyon sinuklian.

“Let’s go,” utos ko.

“Where?” takang tanong niya. Napasadahan ko siya ng tingin, he’s wearing a light blue long sleeves, black necktie, black slacks and a derby black shoes.

“To your office,” natigilan siya ng ilan sandal at pagkuwa’y tumango at pinagbuksan ako ng pinto. I get inside at hindi nagtagal ay umandar na ang sasakyan.

Maayos ang kulot niyang buhok kaya hindi iyon masyadong natatangay ng hangin. Ibang iba na si Marcus kumpara sa dati, ano kayang naisipan niya at hindi niya sinabi sa akin na hindi naman pala siya mahirap? Is it just a part of his act? Para mapansin ko?

Naguguluhan ako ngayon, sana nga maging maayos ang pag-uusap namin mamaya. Gusto ko na ng sagot sa lahat ng mag katanungan ko. Gusto ko nang malinawagan, ayoko nang maging bulag sa totoo, nakakapagod na rin maging tanga sa totoo lang.

When He Came✔️Kde žijí příběhy. Začni objevovat