Kabanata 8

245 3 1
                                    

Kabanata 8





Mahigpit na hawak-hawak ko ang magkabilang braso habang nakaupo sa kamay. Nilibot ko ang paningin ko at nakitang modernong moderno ang disenyo no’n. Marahil ay isa ito sa mga guestroom ng VP namin.

Hindi ko mapigilang hindi mamangha habang tinitignan ang kabuuan ng kwarto. hindi naman kasi ganito sa amin kahit sabihin na malaki ang bahay namin. Hindi siya modernong dahil ilang taon na bago naipatayo nina Mom and Dad ang bahay namin.

Nagitla ang buong katawan ko nang lumabas sa restroom si Dominique, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya nga ang nagbubuhat sa akin kanina.

Walang emosyon ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nakapameywang siya at umiling-iling na tinalikuran ako.

Hindi nagtagal ay may hawak-hawak na siyang tuwaly sa kaniyang kanang kamay. Tinignan ko iyon na para bang nakakamangha ang kulay at disenyo nito, kahit ang totoo’y sa kaniya naman talaga ako namamangha.

Basa pa rin ang buong katawan niya, at hindi rin nag-abalang magpalit ng short at magsuot ng dami pang itaas. Ramdam ko ang pang-iinit ng magkabilang pisngi ko nang masilayan ng malapitan ang hubog ng katawan niya.

Tinigan ko ang kamay niyang nakalahad sa akin, nando’n ang tuwalya at otomatiko namang kinuha iyon ng kamay ko.

“S-salamat,” ani ko. Tumango lang siya at nginuso ang Restroom na nasa likuran namin.

“Nando’n na rin ang ipapalit mong damit, maiwan na muna kita.” Hindi na niya ako hinitay makasagot dahil mabilis siyang tumungo sa pinto at binuksan iyon. Tumayo na ako at sakto namang lumabas siya sa kwarto.

Malaki ang loob ng restroom at may nakita pa akong Jacuzzi doon. Mabilis lang ako maliligo at magpapalit ng damit dahil anong oras na at baka nasa baba na si Manong.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang sumaya ng puso ko habang hawak-hawak ang damit na sinasabi niya. Blue na T-shirt iyon at lagpas ng tuhod ko. Hindi ko alam kung sa kaniya ba ito o kung kanino.

Pinunasan ko na ang sarili ko at sinuot ang damit, kahit mahaba ang jersey short na binigay niya buti ay hindi naman ‘yon maluwag sa akin.

Lumabas na ako para patuyuin ang buhok, at nang matapos na ay saka ako lumabas ng kwarto.

Pero halos matumba ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Dominique. Nasa harapan siya ng pinto ng kwarto habang nakahalukip-kip ang kamay niya, naka cross rin ang paa niya sa kabilang paa.

Nakayuko siya kaya mabilis na nag-angat ng tingin at nagkasalubong ang tingin namin sa isa’t-isa.

“You need to go home now, andiyan na ang sundo mo,” he stated. Nakanganga lang ako habang nakatingin sa kaniya.

“A-ah pa’no ‘yong damit ko?” nasa loob pa kasi ng restroom iyon at wala naman akong pwedeng paglagyan no’n.

“Ako na ang bahala, ihahatid ko bukas.” Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakalahad ulit sa harapan ko. Nakita ko ang bag ko kaya dahan-dahan ko iyong kinuha sa kaniya. Takot na mahawakan kahit ang dulo ng daliri niya.

Sobrang nakakahiya, to think na hindi ko siya kilala. Na siya pala ang SSG president ng High School. Sobra akong nanliliit sa sarili ko at gumawa pa ako ng kahihiyan sa party na ginawa niya.

“A-ahm, sorry hindi ko alam na malulunod pala a-ako.” May kung anong bukol ang nasa lalamunan ko dahil para bang hirap ako lumunok ngayon.

“It’s ok. Hindi ka ba marunong lumangoy?” tanong niya. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad pababa ng hagdan. Wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa kaniya.

When He Came✔️Where stories live. Discover now