Kabanata 1

705 4 1
                                    

Kabanata 1





“Good luck sa Final Exam!”

Nasa labas na ako ng bahay nang pahabol iyong sinabi ni Ate Therese. Even Mom and Dad are also smiling to me. Tumango nalang ako at sumakay sa loob ng sasakyan.

Hindi ko sinabi na twenty minutes na kong late sa kanila, tiyak na pagagalitan nanaman ako lalo na ni Daddy. Nalate akong nagising kanina dahil anong oras na ako natapos sa pag-rereview kagabi.

Kinuha ko ang bag sa loob ng sasakyan nang makababa na ako. Bumati lang ako saglit sa Security guard na nasa may gate ng School. I tap my ID at nang lumitaw ang kulay berdeng arrow ay saka ako nakapasok.

Mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi pa ako nakaka-ilang hakbang ay halos hindi ko na mahabol ang hininga ko dahil sa pagmamadali. Tahimik ang buong paligid.

Abala ang lahat dahil final exam na ngayon para sa 3rd Grading period. Saglit akong huminto upang habulin ang hininga. Napahawak ako sa dibdib ko ng kumirot iyon bigla.

Ang dalawang kamay ko ay parehong nakapatong sa dalawang tuhod ko. Nakayuko ako habang tinatanaw ang building na siyang kinalalagyan ng Classroom namin.

Nang makarating ako sa second floor ay naging marahan ang paraan ko ng paglalakad. Itinigil ko ang pagtakbo dahil panigurado maiingayan ang lahat ng mga estudyanteng nag-eexam.

Kitang kita ang makinang na sahig ng hallway. Kahapon kasi ay inutusan kaming maglinis sa labas ng room at pakinisin ang daanan gamit ang floorwax at bunot.

Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi anong oras na ako natapos sa pagrereview kagabi.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang sinilip ang loob ng silid-aralan namin. Naka-ayos na ang mga upuan roon gaya ng pinagawa sa amin kahapon.

One seat apart kasi ang kailangan sa pag-aayos ng mga upuan lalo na kung may mga ganitong klase ng exam.

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga kaklase ko. Baka mamaya nalang siguro ako mag-take ng exam. Maiintindihan naman din siguro ni Ma’am kung bakit hindi ako makaka-attend ngayon.

Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa white folder, tatalikod na sana ako para bumalik sa baba at hintayin nalang silang matapos nang marinig kong may sumitsit sa akin.

“Clary!” nanlamig ang buong katawan ko nang ibalik ang tingin sa loob, nakita ko sa harapan si Xevia na may nakakalokong ngiti sa akin.

Pinagpapawisan na ako ng malamig at umiiling-iling sa kaniya. Kilala ko siya at alam ko ang ugali niya. Hindi ko dapat siya pinansin noon pang mga unang araw ng school. Dahil mas naging malala ang pakikitungo niya sa akin.

Hindi ko gusto ang paraan niya ng ngiti niya sa akin.

Humigpit ang hawak ko sa white folder nang itaas niya ang kanang kamay niya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at mabilis na tumalikod. Naglakad ako palayo sa classroom. Doon ko naririnig ang unti-unting tawanan nila.

“Clary!” napatigil ako sa gitna ng paglalakad nang marinig ang boses ni Ma’am. Ayokong humarap dahil takot sa gagawin niya. Siya ang adviser namin na sobrang istrikto. Lahat kaming mag-aaral niya ay hindi siya gusto.

Napaigik ako nang marinig ang maiingay na pagtapak ng heels niya sa sahig. Ang paglakas ng tunog no’n ay hudyat na malapit na siya sa akin.

“Clary” kumurap ako nang marinig ang boses niya ngayong mahinahon. Tahimik parin ang buong classroom na nasa palapag na ito at para bang hindi kami napapansin.

“Clary?” nagpakawala ako ng malalim na hininga at dahan-dahang umikot para tignan siya. Tumingala ako dahil matangkad na babae si Ma’am. Ang kaniyang mahabang buhok ay naka-ipit at nakataas. Minsan ko nang nakita kung gaano iyon kahaba at kakapal.

When He Came✔️Where stories live. Discover now