Kabanata 34

226 3 1
                                    

Kabanata 34





“What the fuck are you thinking Marcus?!” napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang pagsigaw ng Daddy ni Marcus, I came from the bathroom nang bigla ko iyong narinig malapit sa kanilang maids’ quarter.

Hindi ko ugaling makinig sa pinag-uusapan ng ibang tao, but this time is…different, lalo na nang marinig ko ang sagot ni Marcus.

“Dad, let me handle her. I love her!” napapikit ako at tinungo ang gilid ng bathroom na medyo malapit sa maids’ quarter. Dahan-dahan ko silang sinilip at nakita ko ang mariing kunot noo ng Daddy niya habang naka maywang ito. Si Marcus naman ay napapasabunot ng kaniyang buhok habang nakatingin sa kaniyang daddy.

“You’re just fooling your self Marcus, bakit mo ba pinag-aaksayahan ng oras ‘yang batang ‘yan? Can’t you see? She’s just 17 for Christ sake! Still a minor! Paano si Diana?!” napatigil ako.

Sino si Diana? Bakit bigla na lang nanikip ang dibdib ko nang marinig ang pangalan ng babaeng iyon? sino ba siya? Sino siya sa buhay ni Marcus?

“I know Dad but please, let me handle this. She’s my responsibility! At alam ko ang sinasabi at ginagawa ko!” mabilis akong bumalik sa likod ng pader nang makitang mabilis na umalis si Marcus, naiwan doon ang Daddy niya at ilang segundo lang ay sumunod rin ito palabas.

“I’m so glad to finally meet you Clary, matagal ka nang naikwekwento sa amin ni Marcus and finally!” tipid kong nginitian ang Mommy niya. Hindi ko lang talaga makalimutan iyong narinig ko kanina. Hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa isip ko kung sino ba iyong Diana na ‘yon.

Lately I realized kung gaano ako karupok pagdating kay Marcus, imagine isang taon siyang nawala at bigla na lang nagpakita sa harapan ng bahay namin and that’s it! Wala na iyong mga pangako ko sa sarili ko na iiwasan ko siya, na kailangan ko munang bigyang pansin ang sarili ko bago siya.

Lahat ng iyon ay nawala nang dumating siya, lahat ng iyon ay hindi ko nagawa dahil lang sa isang salita niya. Hindi naman ako ganito noon kay Dominique, dati alam ko naman ang limitasyon ko, dati alam ko ang mga ginagawa at sinsabi ko pero anong nangyari?

Bakit parang bigla na lang akong nagbago? Bakit parang simula nang dumating siya sa buhay ko hindi ko na alam kung anong tamang gawin sa hindi, bakit simula no’ng nakita ko siya at nakilala, all my inhibitions in my life were gone?

Pero ngayon pa ba ako susuko kung kailan sobrang lapit ko na sa kaniya? all the years na nagkasama kami sa iisang bubong kapag nagpapalusot ako kina Mom na gagawa kami ng project noon was the best memories in my life.

Ito naman iyong gusto ko ‘di ba? Iyong hindi ako tignan bilang isang bata, iyong hindi ako maliitin ng ibang tao, iyong bigyan pa rin ako ng respeto dahil babae ako, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? I am not worth it? I am not worth to be love?

“Hey, is everything ok?” tiningala ko siya. Nasa gate na kami dahil ihahatid na niya ako pauwi. Napatingin ako sa mga taong nasa likuran niya. Naroon pa rin ang dalawang babae na kanina pa nakataas ang kilay sa akin while on their side is Marcus Brother and his cousin.

Wala na ang parents niya dahil kanina pa pumasok sa loob ng bahay,

Kanina ko pa nararamdaman ang mga mabibigat ng titig sa akin noong dalawang babae. Alam ko naman na ayaw nila sa akin. Sinong niloloko nila?

Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. Tumango ako at saka niya ako hinalikan sa tuktok ng ulo ko. Nakatulala lang ako nang ginawa niya iyon sa akin.

We bid our goodbyes nang paandarin na niya ang sasakyan.

Tahimik kami habang nasa biyahe. He still didn’t change his clothes, gano’n pa rin nang sunduin niya ako kanina sa bahay. Saan kaya kami pupunta?

When He Came✔️Where stories live. Discover now