Kabanata 15

238 4 1
                                    

Kabanata 15




“Ano ‘yang nasa labi mo?” takang tanong niya. Nilingon ko siya kahit naiinis ako. Napahawak naman ako sa labi kong may liptint, naamoy ko pa ang strawberry na flavour no’n.

“Ah, liptint bakit?” kumunot ang noo niya at umiling.

“Napaka bata mo pa, gumaganyan kana.” Ako ang sumunod na kumunot ang noo.

“Ano bang paki mo?” nanlaki ang mata ko nang iyon ang lumabas sa bibig ko. Nasa isip ko lang iyon pero hindi ko alam na lalabas pala sa bibig ko!

“Clary!” hindi makapaniwalang sabi niya.

“S-sorry, nabigla lang ako,” taranta kong sagot. Umiling lang siya at pero nanatili ang gulat sa kaniyang mag mukha.

“A-ano kasi sinubukan ko lang kung anong pakiramdam.” Hindi siya na siya nagsalita pagkatapos.

Nanatili lang kaming naka-upo roon at parang tangang tumitingin sa kawalan.

“A-anong ginagawa mo?” nanlaki ang  mga mata ko at mabilis na umusog palayo kahit napaka imposibleng gawin nang inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin.

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa. Halos magkanda duling na ako dahil nararamdaman ko na ang hininga niya. Mas lalo akong nawindang nang makita kong umangat ang isang kamay niya papunta sa mukha ko.

Teka, sasampalin ba niya ako?

Mabilis akong pumikit para ihanda ang sarili sa kung ano mang gagawin niya.

Pero ilang Segundo ang lumipas nang wala akong naramdaman na pagdapo ng palad niya sa pisngi ko. Ang tanging naramdaman ko lang ay ang daliri niyang marahang dumampit sa labi ko.

Doon ako napadilat at nakita ang kaniyang mga mata niyang seryoso sa ginagawa. Anong ginagaw niya? Tinatanggal niya ba ang liptint na nilagay ko?

“A-anong ginawa mo?” napahinga ako ng maluwag nang nilayo na niya ang mukha sa akin, pero sa kabilang banda ay nalungkot rin dahil alam kong hindi na ulit iyon mangyayari.

“Tinaggal ko lang,” kaswal na sabi niya. Napahawak ako sa labi ko at napansing wala na nga iyong liptint doon.

“Hala, bakit mo naman tinanggal?” kuryosong tanong ko, Pwede naman niyang sabihin sa akin na tanggalin ko hindi iyong siya pa ang gagawa no’n!

Panigurado hindi nanaman ako makakatulog nito!

“Hindi maganda,” seryoso niyang sabi.

“Ha? Papaanong hindi maganda?”

“Hindi bagay sayo.” Kumirot agad ang dibdib ko nang sabihin niya iyon.

“Totoo?” pangungumpirma ko.

Tumango siya na mas lalo ko lang ikinalungkot. Sayang naman akala ko pa naman ay magugustuhan niya, kabaliktaran lang pala ang mangyayari. At saka hindi ko raw bagay? Baka ibang lipstick ang babagay sa akin?

“Ahm, pa’nong hindi bagay? Hindi bagay iyong kulay?” kunot noo lang siya at bumuntong hininga. Sumandal siya sa upuan at itinaas ang magkabilang braso at nilagay sa likod ng kaniyang ulo. Ang kanilang dalawang hita at nakabuka, hindi man siya nakaharap sa akin ay para na akong sinisilaban ng apoy!

Ang awkward lang dahil first time ko siyang makita sa ganitong ayos. Kung hindi ba niya naging girlfriend si Yana, sino kaya? O ‘di kaya may pag-asa ako? Pero imposible naman iyong mangyari dahil kapatid lang ang turing niya sa akin.

“Lahat hindi bagay.” Napasinghap ako sa sinabi niya.

“G-grabe ka naman.” Bigla akong nahirapan sa paglunok ng laway dahil sa sinabi niya. Grabe naman! Imposible naman na walang babagay sa akin na kahit anong klaseng lipstick. Siguro kailangan ko nang humingi ng tulong kay Ate Carla para malaman kung ano ang babagay sa akin na kulay at klase ng lipstick!

When He Came✔️Where stories live. Discover now