Kabanata 2

365 6 1
                                    

Kabanata 2




Mabilis ang tibok ng puso ko nang papasok ako sa bahay, pero nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang makitang walang tao sa sala at sa kusina. Baka nasa hacienda sina Mommy and Daddy at may pinuntahan ang dalawa kong kapatid.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko, binuksan ko ang pinto at mabilis rin iyong sinara at ni-lock sa likuran ko.

Napahikbi ako nang iangat sa kamay ang bag ko. Gusto kong saktan kanina si Vana pero hindi ko magawa. Pinagbawalan ako ng konsensya ko. Bakita siya? Wala ba siyang konsensya at ginawa niya sa bag ko ‘to?

Nanlulumo akong nilabas doon lahat ng gamit ko bago ‘yon dinala sa basurahan sa gilid ng bathroom ko. Bago pa ang bag ko at kamakailan lang binili ni Daddy sa akin. Regalo niya sa akin dahil birthday ko noong nakaraang araw.

Nagsinungaling ako kina Mommy ng gabing iyon nang tanungin nila kung kamusta ang exam ko. Hindi ko pwedeng sabihin ang totoo dahil paniguradong mas lalaki ang gulo at mas kaiinisan at kamumuhian ako ng mg aka-klase ko.

“Pwede bang sumali?” napatigil sa paglalaro ng chinese Garter sina Vana kasama ang ilan naming mg aka-klase nang sumulpot ako sa harapan nila.

Tapos na ang pang-umaga naming klase at nandito sila ngayon sa ibaba ng building naglalaro.

Tinaasan ako ng kilay ni Vana, at nakahalukipkip.

“Sinong may sabing pwede?” aniya. Inirapan niya ako at maarteng inayos ang buhok niyang mala- Ariana Grande.

“Ahm, nagtatanong lang baka pwede?” pamimilit ko. She just ‘tsk’ at me at hindi na muli ako pinansin. Nagbubulung-bulungan ang mga kasama niya habang nakatingin sa akin.

Nang mapansing wala naman silang balak isali ako ay kinuha ko na ang bag ko sa gilid at umalis nalang ako roon at pumunta sa may English Park.

Nadatnan ko ang ilang mga highschool students na nakatambay doon. Halos okupado na nilang lahat ang mga upuan. Abala ang iba dahil sa mga papel na sinasagutan, baka assignments o ‘di kaya nama’y activity, habang ang iba naman ay puro cellphone at selfie lang.

Ganito ang kadalasang makikita sa loob ng BSU.

Sa may bandang dulo ay may nakita akong space na pwede akong umupo, nagdalawang-isip ako kung pupunta ba roon o hahanap nalang ng ibang pwedeng pag-tambayan. May mga lalaki kasi roon na tingin ko’y highschool na rin na naglalaro sa kanilang cellphone.

“M-makiki upo lang po.” Suyo ko, hindi nila ako pinansin kaya malaya kong nilapag ang bag ko sa lamesa. Tatlo silang nakaupo roon habang ang iba ay nasa sementadong harang ng halaman nakaupo.

Kinuha ko ang biscuit sa bag ko at binuksan ko para kainin. May food court naman malapit dito sa English park pero ayokong pumunta dahil mainit at siksikan, sinilip ko kasi kanina at nakitang maraming tao ang kumakain roon.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bag kaya kinuha ko iyon at binuksan. Naiwan ko palang nakabukas ang data kanina bago ako pumasok kaya halos makalahati na ang percentage ng battery niya.

Notification lang pala sa facebook account ko. Puro reaction lang sa mga shared memes ko. Nakita ko ang repleksyon ko sa screen, bumuntong-hininga ako dahil doon.

Pinatay ko ang data at binuksan ang camera app sa phone ko. Tinignan ko ang mukha ko lalo na ang pisngi kong punong-puno ng pekas. Pakiramdam ko isa iyon sa mga kinaiinisan ng mga ka-klase ko sa akin. Para silang nandidiri habang pilit ko silang tinatanong o kinakausap. Doon sila nakatingin at halata sa mukha ang pandidiri.

Sa aming tatlo nina Ate Bernadette at Ate Therese, ako lang ang may ganito. Minana ko kay Mommy dahil may lahi ang pamilya nilang Espanyol, gano’n din si Daddy.

When He Came✔️Where stories live. Discover now