Kabanata 23

213 3 1
                                    

Kabanata 23



Ang paghatid sa akin ni Dominique araw-araw sa bahay ay nagtuloy-tuloy, doon ko rin siya mas lalong nakilala. Alam ko hindi Maganda para sa ibang tao ang ginagawa namin pero iyon ang huling iisipin ko.

Masarap nga siguro ang bawal, naalala kong minsan na iyong nasabi sa akin ni Ada.

I kissed my Moms’ cheeks saka ako lumabas ng bahay, naghintay pa ako ng kaunti sa labas para sa dadaang tricycle palabas. Hindi naman gano’n katagal dahil hindi lang rin ako ang estudyanteng nag-aaral sa community college ng bayan namin.

Kinawayan ko ang paparating, hindi nagtagal ay nakasakay na ako at matapos ang ilang minuto ay nakalabas na kami sa mismong highway. Tinignan ko ang oras sa relo ko, 7 am palang. 8 am ang klase namin araw-araw. Hinigpitan ko ang pagkapit sa strap ng bag ko saka ako sumakay sa jeep na saktong huminto sa harap ko.

“Wow! Ano ‘yan Clary ha?” mabilis kong tinignan si Ada. May hawak hawak kasi akong lunchbox, naisipan ko kasing bigyan ng lunch ngayo si Dominique, ayaw niya kasing tumanggap ng kahit anong regalo galing sa akin. Wala naman daw kapalit ang paghahatid niya sa akin araw araw.

Kaya ito na lang ang naisipan kong gawin para naman makabawi ako sa kaniya.

“Ibibigay ko ‘yan mamaya kay Dominique,” sagot ko sa kaniya. Inaayos ko kasi ang mga gamit ko sa bag at kailangan kong ilabas lahat ng gamit ko. Doon niya nakita ang lunchbox. Siguradong nagtaka siya dahil hindi naman ako nagdadala kahit kailan ng lunchbox.

“Sigurado ka?” kumunot ang noo niya, tumingin ako sa kaniya at mabilis na tumango.

“Hindi naman siguro bawal ‘di ba?” hindi siya sumagot. Dumapo ang tingin niya sa lunchbox na nasa kamay ko.

May kanin at adobong manok sa loob no’n. nakahiwalay ang kanin sa ulam kaya hindi matatapon.

“Clary…” hindi sigurado ang tono ng boses niya nang tawagin ako. Abala ang iba naming mga ka-klase sa paggaw ang activity sa isa naming subject, mamaya na kasi ang passing no’n. Mabuti na lang at nagawa na namin kahapon ni Ada, ipapass na lang  namin mamaya.

Nasa teachers’ table si Ma’am, Isang linggong busy kasi ang mga teachers ngayon kaya puro pa-activity na lang ang ginagawa, malimit na lang silang mag-discuss. Malapit na kasi ang intramurals at nagpa-practice sila para sa first day opening ng program.

“Basta, magtiwala ka lang sa akin Ada, at sak ‘di ba kapatid naman ang turing niya sa akin? Kaya hindi naman siguro masama kung bigyan ko siya nito, ayaw naman kasi niyang tumanggap ng kahit anong regalo,” sabi ko. Nanahimik siya at hindi nagsalita. Narinig ko ang buntong hininga niya at binaling na sa iba ang atensyon.

Noong nakaraang araw ay nadulas ako sa kaniya, nasabi ko na balak ko siyang bilhan ng bagong sapatos, akala ko ay matutuwa siya pero kabaliktaran pala ang nangyari. Buti na lang at hindi ko pa nabibili ‘yong sapatos dahil masasayang lang kung sakali.

Sa ilang linggo niyang paghahatid sa akin sa bahay namin, ni minsan ay hindi ko naitanong sa kaniya kung anong nangyari kay Yana nang makita ko silang dalawa sa loob ng sasakyan, no’ng pumasok siya sa hacienda namin noong nakaraang bakasyon.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniyang nakita ko sila, baka kasi iba ang isipin niya tungkol sa akin kaya pinili ko na lamang manahimik at pinilit na hindi magtanong sa kanilang dalawa ni Yana.

“Clary, pwede namang ako na lang ang magbigay niyan sa kaniya eh,” si Ada. Bumuntong hininiga ako at tinignan siya. 

Kanina pa kami nagtatalo dahil sa lunchbox na ‘to. Gusto kasi niya na siya na lang ang magbigay kay Dominique, alam ni Neo dahil nagpaalam na agad siya rito.

When He Came✔️Where stories live. Discover now