KABANATA 1

748 96 45
                                    

-FIRST UNLUCKY DAY-

*cring**cring*

6:30 A.M.

Nagising ako sa ingay ng alarm ko.
Oo nga pala first day ngayon at 3rd year College na ako! YAY!

Ganun nalang ako ka-excited dahil first time kong mag-aral dito sa Pilipinas.

Tumayo ako sa kama para ihanda ang damit ko at natuwa ako sa ID ko na may nakasulat na

"Loureene Faustina Philips"

Oh, diba? Pak!

Ewan ko, pero gandang ganda ako sa pangalan ko HAHAAHHAHA funny.

I'm Loureene Faustina Philips, 20. Isang maganda, mabait, nakakatawa at masungit na babae. 'Yan ang mga katagang sinasabi nila sa akin. Masungit lang naman ako kung titignan pero mabait naman at syempre nagsusungit talaga ako lalo na kapag tinatarayan ako.

Tinuro sa akin ni Mama na 'Huwag kang magpa-api! At huwag magsimula ng away dahil sa huli ikaw ang masama'

Lumaki ako na si Mama lang ang nag-aalaga dahil si Papa ay hindi na masyadong binabanggit ni Mama.

Wala naman daw kwenta si Papa. Tulad daw nang pag-iwan nya sa amin nung nalaman niya na pinagbubuntis ako ni Mama.

Ni hindi ko nga alam kung ano ang itsura ni Papa e. Basta ang Pangalan nya ay.....

*Faustino Davis.*

Sinabi ni Mama na mahirap lang si Papa at hindi ito tanggap Nina Daddy at Mommy (lolo at lola ko). Pangarap kasi ni Mommy na maging mayaman si Mama kaya ayun pinaghiwalay sila at lumipat ng US.

At doon na nya nakilala si Benjamin Fuentes ang asawa ni Mama. Oo may pamilya si Mama bago nya ako isinilang.

Kaya nga lang hindi ako natanggap ni Tito Ben dahil pagkakamali raw ako.

Sa huli ay naghiwalay na sila ni Mama noong 8 years old ako. Sa kadahilanang hindi na sila nagkakaintindihan.

Ang natatandaan ko nalang ay umalis kami ni Mama sa US dahil sa mga di magagandang nangyari.

kaya ayan, kami lang dalawa ni Mama dito. We're happy and contented.

Sapat na sa amin na magkasama kami. Hindi yung may pera nga, wala namang oras para sa isa't-isa. That's awful.

Hindi kami mayaman at hindi din mahirap. NEUTRAL lang.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Lumabas na ako ng kwarto ko. Pumunta naman ako kaagad sa kusina para mag-almusal at maghanda na rin ng baon ko for lunch para tipid.

Umalis na si Mama nung kumain ako dahil nagtrabaho na siya, maaga kase pasok nya eh. Sobrang aga talaga mga 5:00am umaalis na sya.

Nag-iiwan naman siya nang pera para baon ko. Nagluluto na din siya bago umalis. Sobrang alaga talaga ako niyang si Mama, lalo na sa tuwing nagkakasakit ako. Hindi niya ako iiwan hangga't hindi ako gumagaling.

Habang nag-aayos ako nang damit, tumunog ang cellphone ko.

Text pala, galing kay Iza.

From: Iza
hoy babae, 7:30 pasok natin wag kang makupad!
Wait kita sa gate ah. Babay mwaps.

To: Iza
loka 8:00 kaya! OA Izabele Rea? osya maliligo na ako

From: Iza
HAHAHAAHHA oki Faustina. Ligo well.

She's Izabele Rea Valina ang Bestfriend ko since Elementary. Maganda sya, mabait kaya nga nakasundo ko eh. Ang pinagkaiba lang namin ay mas maganda ako, jk. She's rich af.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now