KABANATA 4

473 82 15
                                    

-EX-

Maaga akong nagising dahil may kumakatok sa pintuan.

Binuksan ko naman kaagad pero wala namang tao, isasara ko na sana ito ngunit may isang box sa harap nang pintuan. Kinuha ko iyon at bumalik sa loob.

Umupo ako sa couch para tignan ang laman nito. Nang mabuksan ko na ito ay hindi ko maiwasang magtaka.

"Kanino kaya ito galing? Bakit bigla nalang akong padadalhan ng uniform?" tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko na ito tinanong kay Mama dahil baka skanya naman ito galing. Pero paano naman nalaman ni Mama na kailangan ko na nang uniform? Ah baka nagtext yung school sa kanya.

Hindi na ako nagsayang nang oras at nag-almusal na ako. 5:40 palang naman kaya humiga muna ako pagkatapos ihanda ang uniform ko.

Nagbukas ako nang data.

Hala shet. Hindi ko pa pala siya na-accept.

Inaccept ko na ang friend request ni Vaughn dahil ichachat ko sya patungkol dito sa jacket niya. Nilabhan ko na din kagabi. Nakakahiya naman kung ibabalik mong hindi bagong laba.

Nakita ko siyang active. Hindi na ako nag-alinlangan pa. Nagchat ako.

Faustina: Hi, ibabalik ko lang sana yung jacket mo. Kita tayo mamaya sa playground.

Agad naman siyang nagseen.

Vaughn: No need.

Faustina: Hala, baka ayaw mo nang pumunta doon sa playground, sigi dadalhin ko nalang sa school.

Vaughn: I said it's yours na.

Faustina: Ah hindi, ibabalik ko baka kasi mapagalitan ako kay Mama. Don't worry nilabhan ko na yun.

Vaughn: Ang kulit naman, oo na sige. Mamaya 7pm sa playground.

Faustina: Yay! Salamat.

Naligo na ako at dinama ko ang lamig ng tubig. Habang naliligo ako ay naalala ko nanaman ang nangyari kagabi. Hindi ko talaga magets kung bakit nya sinasabi sa akin iyon. Hindi naman kami close.

'Kasing ganda mo naman ang bituin eh'

Siguro compliment lang?

Medyo kinilig ako dun ah. Iba kasi ang dating nun. Lalo na't paboritong parte ko iyon nang gabi.

Siya ang unang nagsabi sa akin nun.

Pero erase! Ang goal ko this year is 'wag muna mainlove' at mamahalin ko muna ang sarili ko. Para na rin kay Mama.

Pumasok na ako, hindi na ako hinintay ni Iza sa gate dahil may aasikasuhin pa daw sya.

Habang umaakyat sa hagdan may nakatama naman sa akin. Dahilan iyon para mahulog ako.

ANO BA YAN! Kahapon natumba ako tapos ngayon nahulog naman! Ang malas ko naman ata.

"Sorry Fauz. Saan room mo? Ihahatid na na kita"

Si Joaquin pala.

"Oo Joaquin okay lang ako! Wala kang paki kung saan ang room ko" inirapan ko sya bago umalis.

"Teka lang Lori" hinampas ko sya nang bag ko!

"Stop calling me Lori. We're not close"

"Lori, liligawan kita ulit! Please lang"

"Sabi nang wag mo akong tatawaging Lori eh!"

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now