KABANATA 6

417 77 14
                                    

-Mom and Dad's LOVESTORY-

"Anak jusko. Okay ka lang ba? Saan masakit?" pag-aalala ni mama sabay yakap sa akin.

My mom is my everything. I really love her so much, konting sugat ko lang ay grabe na ang pag-aalala nya. She doesn't even care about herself as long as I'm fine. I don't really know what to do without her in my life.

My mom is my life. I think that I can't live without her.

"Ma, ayos na po ako. Nandito kana eh"

Niyakap ko si Mama para alam nya na okay na talaga ako.

My Mom is my strength.

Tumayo si Mama para magluto. Ako naman ay pumasok na sa kwarto.

Habang inaabala ko ang sarili ko sa mga requirements na kailangan. Tinawag naman ako ni mama mula sa Salas.

"Lori!"

"Yes Ma?" sagot ko habang binubuksan ang pinto sa kwarto ko.

"Lori, saan mo ito galing? Mahal ito ah" turo ni mama sa isang kahon na sapatos ang laman.

"Sapatos ang laman? Hindi ko kasi na-check kanina" sinilip ko ang kahon.

"Hindi mo pa ako sinasagot! Saan galing ito? Pati na ang uniporme mo?"

Bakit tinatanong ni Mama alam ko naman na sa kanya galing ang mga ito.

"Hindi ba galing sa'yo iyon Ma?" natatawa kong tanong

Kumunot naman ang noo ni Mama.

"Lori ,hindi eh" sa simpleng sagot ni Mama ay nakaramdam ako nang kaba.

"Eh Ma. Para sa akin po kaya talaga iyan? Kasi nakita ko lang naman sa harap ng pintuan. Baka naman nalito lang yung delivery man"

Napakamot ako sa ulo. Iniisip ko na siguro ay nagkamali lang nang address dahil magkamukha ang mga bahay dito.

"Tignan mo may nakasulat rito" ibinigay ni mama ang kahon na may sulat.

"Para kay Faustina" pagbabasa ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Lumingon ako kay mama na halatang iniisip kung kanino ito nanggaling.

"Ma. Nandito ang pangalan ko"

Hindi na sya umimik at pinagpatuloy na lamang nya ang pagluluto nang hapunan.

Sinukat ko ang sapatos na iyon. Hindi na ako nagtaka kung bakit sakto ito sa akin. Kagaya na lamang nung uniform na unang pinadala, ito ay kasyang-kasya.

"Anak, baka naman may nanliligaw sayo?" sambit ni Mama habang hinahalo ang adobo.

"Wala naman po. Imposibleng si Joaquin ang may gawa nito dahil wala na kami."

"Hindi ba ay ganyan din sa US. May mga gamit na pinapadala saiyo." saad ni Mama.

Sa US palang kami nakatira ay may natatanggap na akong mga gamit na talagang nagagamit ko. Yun nga lang ay hindi namin alam kung kanino nanggagaling pero ginagamit ko parin dahil sayang naman.

"Eh Ma, sa US pa iyon ah. Imposibleng hanggang dito sinundan ako" kabado kong sinabi.

"Hayaan mona anak. Tatawagin nalang kita kapag kakain na" pumasok akong muli sa kwarto ko.

Hindi ko maiwasang hindi maisip ang mga nangyari kanina. Si Joaquin na minsan ko nang minahal ay maari pa lang magawa sa akin iyon.

Napatulala na lamang ako sa kaiisip nang mga bagay-bagay.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now