KABANATA 3

503 82 33
                                    

-STAR-

Papasok na sana ako sa bahay nang may napansin akong nakamasid sa akin.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang lalaki na nakasandal sa isang mamahalin na sasakyan. Inis akong lumapit sakanya.

"Kuya Herron naman! Papatayin mo ba ako sa kaba?" naging dahilan iyon para tumawa siya.

Siya si Kuya Herron Louille Fuentes, hindi kami pareho ng surname dahil magkaiba kami ng tatay. Si Mama naman ay hindi na ginagamit ang Fuentes dahil naghiwalay na sila ni Tito Ben. Minsan nga ay naisip ko na dahil sa sakin iyon pero sabi ni Mama hindi lang daw talaga nila mahal ang isa't-isa.

Okay na naman kay Kuya Herron na maghiwalay sila dahil saksi siya sa lahat na nangyari. Matanda siya sa akin ng 5 years.

Gwapo si kuya. Matalino, mabait, masipag, matiyaga at maka-Diyos. Kaya sobrang habulan siya ng babae. WALA siyang girlfriend dahil ako muna daw ang uunahin niya bago ang sarili niya.

Sobrang sweet ni kuya at thoughtful, I really love him and he loves me too.

"Ang lalim kasi nang iniisip mo eh, kaya hindi na ako nag-abala na tawagin ka!" sinasabi niya iyon habang to ginugulo ang buhok ko.

"Teka nga kuya" inalis ko ang kamay niya sa ulo ko. "Bakit ka nga pala nandito?"

"Bakit Lori? Hindi mo ba ako miss?" tampo naman agad tong si Kuya.

"Miss na miss!" niyakap ko sya. "Miss you kuya ko!" yep. I'm super clingy.

"Don't worry baby, makakasama mo na ako lagi" kumawala ako ako pagkakayakap namin dahil sa sinabi nya.

"Ha? Hansel!" biro ko. "Pinagsasabi mo? Nakainom ka ba kuya or may sakit ka?"

Mabilis kong hinawakan ang noo nya pagkatapos ay inamoy ko sya.

"Ah, ako na kasi ang mag-aalaga sayo!" seryoso nyang tugon. Tinitigan ko naman ang mata niya kung nagbibiro lang siya.

"Kuya? Seryoso? Eh nandito naman si Mama e. Huwag ka nang mag-abala at baka magalit pa si tito Ben" I said nervously.

"Oo nga naman nandiyan si Mama. Pero hindi na ganun kalakas si Mama para kumayod para sa iyo. Alam mo naman na may sarili tayong kumpanya pero ayaw naman niyang pumasok doon dahil hiwalay na sila ni Papa. Ayaw ko lang mahirapan si Mama at gusto ko sanang magpahinga nalang siya." may bakas sa pananalita ni Kuya ang lungkot.

Naiintindihan ko naman si Kuya. Buti nalang nga ay libre lang ang tuition doon sa pinapasukan ko, kundi ay baka nahimatay na kami.

Mahal raw roon pero libre lang naman sabi sa akin nang principal, sa katunayan nga ay nagbayad si Iza.. nakakapagtaka nga eh. Sabi nila ay Scholar daw ako kaya ganun at hinayaan kona. Matalino naman ako. Sayang naman kung tatanggihan ko pa diba?.

"Kuya naiintindihan ko naman, pero si Mama ba pumayag?Kase alam mo naman si Mama sasabih-" hindi kona naituloy ang sinasabi ko nang may nagsalita.

"Herron anak, kaya ko na ito. Gusto mo bang pumasok sa loob at ipagluluto ko kayo ni Lori " ang bilis naman nag-iba nang usapan.

Wala na kaming nagawa ni kuya at pumasok na lamang.

"Herron, wala pa kaming isang taon dito at sumunod ka agad. Hindi ba napag-usapan natin na kapag isang taon na kami ni Lori ay doon ka nalang umuwi dito sa Pilipinas?" tanong ni mama habang kumakain.

Natapos na akong kumain at nagpaalam na papasok na sa kwarto ko. Alam ko naman na papagalitan lang siya ni Mama. Pero nakinig ako sa usapan nila.

"Ma, alam ko naman na nahihirapan ka rito e! Iba ang buhay mo doon at buhay mo dito. Please Ma, hayaan mo naman akong tulungan kayo"

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora