KABANATA 38

221 30 1
                                    

-RESULT-

Maraming ginagawa ngayon, maging ang Research namin ay sinimulan na namin last week, napili namin na dito nalang sa bahay gumawa. Sa susunod ay sa bahay ni Iza at hindi ko na alam ang sunod.

"Natapos din ang klase!" si Iza, umupo muna kami sa couch dahil sa pagod naming anim.

Maraming pinasa ngayon at sabay-sabay pa kaya sobrang nagmamadali kami, naghahabol pa ng oras.

"Ibibigay ninyo sa amin ni Gab yung mga nagawa niyo, kami na mag-aayos" ani ni Vaughn sa amin. Ako at si Caleb kasi ang magkakalap sa mga datos. Sina Iza at Alja ang sa mga maghahanap ng RRL.

Tahimik kami, at seryoso sa paggawa ng kanyang trabaho. Kailngan na naming matapos agad ito dahil isang Linggo nalang ang mayroon kami.

"Eto na ang nahanap ko, sulat ko na muna" tugon ko kay Caleb. Nandito kasi kami sa library nang bahay namin. Malaki ito kaya ang iilan na kailangan namin ay makikita dito.

"Ano na maghahanap doon" pumunta siya sa kabilang parte ng library.

Naiwan ang apat sa sala namin. Nakaramdam ako ng pawis sa mula sa ulo ko.

Hindi pa kasi nalagyan ng aircon itong library kaya sobrang init, gayong may mga electric fan kaso hindi naman kami naaabutan ng hangin.

"Nawawala nanaman kasi yung mga ponytails ko"

Maya-maya lang ay natapos na kami ni Caleb doon dahil may nakuha na naman kami sa library ng M.U. kanina.

Alas kwatro na nang makabalik kami doon, mga isang oras rin pala kami nagkakalap.

Babalik akong muli sa library mamaya bago umuwi ang mga kasama ko, magpapasama si Iza doon dahil baka may makuha sila doon.

"Kumain na muna kayo ng meryenda" inihain ni Ate Mina ang mga tinapay at juice. Cake at Biscuit naman ang dala nang isa pa.

Kanina pa pala wala si Mama. Wala naman siyang trabaho eh.

"Nasaan kaya si Mama" bulong ko sa sarili ko.

"Oo nga eh, ngayon mo lang napansin?" narinig ako ni Vaughn..

"Hindi naman niya sinabi sa akin na aalis siya eh."

"Oh, wag kang masyadong mag-alala. Babalik rin yun"

Tinuloy ko nalang ang ginagawa ko saka ako kinuhanan ni Vaughn ng juice para makainom. Sinubuan pa niya ako ng tinapay.

"Ang harot ng nasa harapan natin. Sana may magsubo rin sa akin, yung mahaba sana" si Iza, nagpaparinig nanaman ito.

Nagtinginan kami ni Vaughn, natawa kaming lahat dahil sa reaksyon ni Caleb sa sinabi ni Iza.

"Friday na sa susunod na araw, paano natin matatapos agad ito?" naiiyak na si Alja.

"Malapit na naman tayo matapos hindi ba?"

"Yeah, ieedit na natin doon sa bahay nina Vaughn ang lahat tapos ready na ipasa"si Caleb.

Miyerkules na pala ngayon, hindi ko na namamalayan ang oras at araw na lumipas dahil sa dami nang ginagawa.

"Bukas na din ang birthday ni Kuya, sigurado akong magiging abala rin tayo doon kaya dapat matapos na natin" I said.

"Ay oo nga, buti nalang sa Linggo pa ang selebrasyon" ani ni Alja.

Kaming lahat kasi nangakong tutulungan si Kuya, hindi nga siya pumayag eh pero pinilit nila para iyon na din raw ang bayad sa kabutihang binibigay niya.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang