KABANATA 15

324 61 12
                                    

Jason Vaughn's POV

I was early, again. Hindi naman ako nag-iisa sa room. Nandito na rin sina Caleb at Gab. Hindi ko din alam kung bakit maaga ako.

Tulad nang dati, naghintay nalang kami nang oras. Nagsidatingan na sila.

Dumapo ang paningin ko sa grupo nina Iza. Pero hindi ko nakita ang hinahanap ko.

Where is she?

"Kung hinahanap mo si Faustina, hindi siya papasok" bulong ni Caleb, ako lang ang nakarinig.

"Who cares? Hindi ko tinatanong" pagsusungit ko.

"Sinabi kasi sa akin ni Iza na may.." feeling ko sinasadya niyang putulin iyon para magtanong ako.

"May ano?"

"Kala ko ba 'Who cares'?" he mocked

"Oo na! Ano nga kase?" pikon ako, okay.

"May lagnat. Kaya medyo late si Iza kase inalagaan niya muna"

"Teka! Bakit andami mong alam? Ano mo ba si Iza?" nakakahalata na ako eh. Hindi naman siya chickboy.

"Malalaman mo rin" he winked.

"Samahan mo ako, puntahan natin siya. Ang awkward kung ako lang"

"Sasama naman talaga ako, sabay sa atin sina Iza"

Bakit naman siya nilagnat?

Wala naman kaming ginagawa sa lahat nang class. Gusto ko na sanang umalis kaso hindi pwede.

"Vaughn, sasama ka raw? Isama mo na din si Gab para masaya" kinausap ako ni Iza.

"Ah oo. Okay na ba siya?"

"Medyo raw. May nag-aalaga naman sa kanya"

Tumango nalang ako. Puro pag-uusap lang ang ginawa namin. Wala kasi ang Profs namin.

Napaaga ang labas namin, wala naman raw kami ginagawa kaya ayun, magpahinga nalang sa bahay.

Umalis na kami. Kotse ni Gab ang sinakyan namin nina Caleb. May driver si Iza kaya doon sila ni Alexine.

Nang makapasok kami ay nakita namin si Faustina na may katabing lalaki. Akala ko ba si Joaquin ang boyfriend niya? Nakita ko palang sila nung Sunday. Tapos ito naman katabi niya? Lakas ah.

Pinag-usapan nila ang relasyon ni Iza at Caleb. Mukhang mauuna pa sya sa akin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit magpapaalam pa sila kay Faustina.

Kaya naman sumabat ako. Hindi niya nagustuhan iyon, naasar siya. Kaya mas inasar ko pa. Pero ako ang natalo.

Napansin ko ang kahon na ibinigay ko sa kanya. Nasa kwarto niya ito. Nakabukas kasi ang pinto nang kwarto niya kaya nakita ko. Sana pumunta siya. Iinvite ko siya nang personal.

Naiwan kaming dalawa dito sa sala. Hindi ko kaya ang nakakabinging katahimikan. Kinausap ko siya, ang pagsagot naman niya ay sarkastiko.

Hindi ako nagseselos doon, naiirita lang.

It's annoying. Hindi pa naman siguro niya asawa iyon dahil bata pa kami pero nasa right age na siya.

Umalis nalang ako. Hindi talaga niya ako titigilan sa pang-aasar.

Nakita ko siyang naglalakad mag-isa, mukhang hinahanap niya ako. Naisipan kong magtago. Nakonsensya ako nang makita ko siyang umaalis na tapos nakasimangot.

Yes. I care. Hindi ko lang talaga kayang umamin sa kanya sa ngayon. Ayokong masira ang relasyon na meron kami, baka kasi mailang siya sa akin kapag umamin ako.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now