KABANATA 32

269 38 2
                                    

-Best birthday celebration ever-

Jason Vaughn's POV

I woke up at exactly 8:00 in the morning. Kinda late but still early for my own preference.

I sat down on my bed and started to thank Him for another year of protection and blessings.

After, I did my morning routines and all. It was 10:00 when I decided to go down.

I saw Mom preparing the house with the staffs for the party later. Late na siguro siya natulog kagabi, tapos maaga uling nagising.

"Morning Mom!"

"Goodmorning son! Happy birthday! You're a grown up man now!" Nginitian ko naman siya at kumuha ng tubig na maiinom sa kusina. I am drinking the water while walking back to the living room.

"I hope to see your girl, son."

"Of course Mom."

"Siguraduhin mong makapupunta siya at ang Mama niya" nilapitan kami ni Daddy. May tinanong lang kay Mommy.

"Happy Birthday! Don't drink too much" banta kaagad niya. Mas strikto pa nga siya kaysa kay Mommy.

Tinawanan kami ni Mommy, ganyan lang si Dad laging kumokontra. Pero pumapayag din sa kagustuhan ni Mommy.

Napagdesisyunan kong tumulong sa pag-aayos pero hindi ako pinayagan, kaarawan ko raw ito dapat nag-aayos nalang ako.

Umakyat akong muli. Inaasahan ko nang maraming messages ang darating sa akin.

Kinuha ko ang phone ko saka binuksan ang laptop ko.

Hindi nga ako nagkamali, marami nga sila. Kahit sino ay bumabati sa akin. Hindi ko na alam kung mapasasalamatan ko ba silang lahat dahil sobrang dami!

Pili lang ang sinagot ko, mostly mga kakilala ko. Binati rin ako nang iba kong teammate sa basketball. Siyempre nagpasalamat ako dahil ngayon nalang naman nila ako ulit pinansin.

Maraming post sa timeline ko sa Facebook. Nagpost din kasi ako kagabi nang paghahanda nila kaya mas marami ang notifications ko. Karamihan doon na bumati. Ang iba naman puro sa Messenger. Nagreply ako sa kanila, yung iba ay maswerte dahil fans ko lang pero sinagot ko dahil sobrang haba ng greetings, para bang ako yung bumubuo raw ng araw nila.

May fans club rin ako, may FB page, IG at Twitter account. Kaya nagpost ako ng maikling bidyo sa FB at IG nang nagpapasalamat na naka-tag ang page at account. Sa Twitter naman, nag-tweet ako nang pasasalamat sa lahat ng bumati and then I mentioned the JaVa account.

Marami akong pinasalamatan, umabot ako nang tatlong oras kaya umabot na ako nang ala una. Hindi pa pala ako kumakain ng tanghalian. Hindi na muna ako kakain dahil sigurado akong marami namang handaan mamaya.

Nagpatuloy lang ako sa pagpapasalamat sa mga kakilala ko.

Nagtataka ako na walang text ni isa si Lori. Baka tulog pa?

Bumaba ako nang sumapit ang alas kwatro para kumuha nang makakain, abala pa rin ang mga tao dito. Wala naman si Mommy kaya tutulong muna ako.

"Anak go upstairs na. Padating na yung nag-aayos sayo."

"Mom 4:00 palang naman. Maaga pa. Tutulong na muna ako."

"Anak it's okay. Go upstairs and take a bath."

"Fine, Mom"

I went upstairs to get ready like what my mother said. I went on the bathroom naked. As I turned on the shower, I can't help but to be excited. I will see Lori again. I have this feelig that if Lori won't come, the party will be lifeless at all.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now