KABANATA 57

139 19 0
                                    

-Late Celebration and then BYE-

Gutom na ako, kaso hindi pa tapos ang Q&A. Ang pangako kasi sa amin pagkatapos nito bibigyan kami ng sampong minutos para magpahinga o kumain.

Pagkatapos kong sumagot, nagkaroon na ako ng pagkakataon para kumain ng tinapay ngunit hindi iyon naging sapat dahil binigyan ko pa ang mga tao doon.

"Lori!" tapos na kaming lahat sa Q&A nang marinig kong tawagin ako ni Caleb.

"Hoy, bakit?" sigaw ko, maingay kasi dito sa loob. Tapos yung sa entablado pa mayroong sinsabi yung host.

"Eto oh, baka gutom kana" mabilis a kokong lumapit sa kaniya nang ipakita ang isang supot.

Laman nito ay tatlong cheese burger at dalawang doughnut. Iniabot din niya ang Iced Coffee.

"Wow salamat! Sinong bumili?" alam kong kaya niyang bilhin ito pero 'di lang ako sigurado kung siya ba talaga.

Nung minsan kasi sabi ko dalhan niya kami ng food tapos puro fries yung binili niya. Eh ayaw ko naman yun.

"Ah kami" napakamot siya.

"Thank you"

Pinuntahan ko yung boys room kung saan sila inaayusan para bigyan si Gab.

"Why are you here?" Gab asked.

"Bibigyan sana kitang cheese burger, tatlo kasi binigay ni Caleb sa akin tapos eto isang doughnut"

Sapat na naman sa akin ang isang burger saka doughnut.

"Uh, thank you miss" biro niya.

Hindi ako makapaniwala na ako pa ang nanalo. Wala akong pakulo na ginawa basta ginawa ko lang ang gusto kong gawin, be yourself ika nga nila.

"Gosh! You won!" hanggang sa pag-uwi namin abot tainga pa rin ang ngiti nila.

"Congratulations, Anak! I'm so proud of you" ikinagalak ko ang pagbati ni Papa sa akin.

Si Mama naman kanina pa ako niyayakap at sinasabihang 'galing ng baby ko'

"Oo nga pala, dahil gabi na tayo nakauwi ngayon bukas nalang ang selebrasyon ng kaarawan mo. Pati na rin ang pagkapanalo mo" si Kuya Herron.

Nakalimutan ko, mayroong pa palang selebrasyong magaganap.

"See you tomorrow! Congrats ulit" nagpaalam na si Iza. Nauna na kanina pa si Alja dahil isusumbong raw siya ng driver niya kapag hindi pa siya umuwi.

Muli kong naalala ang pag-alis ko. Sana masabi ko na bukas kila Iza.

"Anak, bakit ka malungkot?" tanong sa akin ni Papa.

Sinamahan niya kasi akong magbuhat ng gamit ko paakyat dito sa kwarto.

"Ilang araw nalang pala, aalis na ako" hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil doon.

"Oo nga. Buo na ba talaga ang desisyon mo?" lagi nilang tinatanong ito. Pero hindi ko naman nakikita na pinipigilan nila ako, gusto lang naman nila makasigurado.

"Opo. Kailangan ko nalang tanggapin"

Tanggapin na kailangan kong umalis. Alam ko sa sarili ko na mas masasaktan ako kapag nakita ko silang magkaisang dibdib o magkasama man. Noong nakita ko nga sila sa parking lot nasaktan na ako, paano pa kaya kapag dito pa ako tumira edi hindi na ako makahinga.

"Matulog kana, napag-usapan namin ni Mama mo na bago ka umalis ipatitingin ka na muna namin sa Doctor mo"

"Bakit po?"

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now