KABANATA 42

208 23 2
                                    

-SURPRISE-

We've got plenty food here on our table. Gutom raw kasi si Iza.

"Nga pala, nandito pala yung kuya mo?" si Caleb ang tinanong ko.

"Ah yeah, mahilig yan sa parties. Why?"

"Wala lang. He's always approaching me. Pero wala lang naman sa akin iyon" baka kasi isipin ni Caleb na assuming ako.

"Really? Mag-iingat ka doon, playboy" hindi na siya nagtaka. Siguro nga galawan na ni Caldy iyon.

So, kabaliktaran pala ni Caleb si Caldy. Hindi ko naman talaga lalapitan iyon dahil baka magselos pa si Vaughn.

"Pupunta ba si Vaughn?" naninigurado lang naman ako. May mga paraan kasi ang lalaking iyon.

"Hindi daw..." sagot ni Gab.

Lumapit sa gawi namin sina Kuya and his friends. Kaya nagkaroon nang pagkakataon ang mga kasama ko na ibigay na ang kanya-kanyang regalo.

"Your theme was pretty cool" puri ni Alja.

Well, lahat nang bisita dito nakasuot nang itim at asul. Ang ganda ngang tignan.

"Thank you. It's Lori's and my favorite color"

Pagkatapos nilang batiin ay nilapitan ako nang dalawang kaibigan ni Kuya. Si Kuya Jaeri at Bein.

"OMG! I missed you both Kuya Jae and Bei" nakipagbeso ako sakanila saka sila niyakap. Same thing with Iza, kaso pinigilan siyang makipagyakapan ni Caleb.

"Oo nga! Ilang taon na din?" si Kuya Bein.

"It's been six or seven years?" I'm not sure, basta matagal na kaming hindi nagkikita dahil nga humiwalay kami ni Mama nang tinitirhan kay kuya noon. Kaya bumibisita lang sila.

"So nasaan ang boyfriend mo? Ang sabi nang kuya mo mayron kana raw" ani ni Kuya Jae na nanunukso.

Updated sila sa buhay ko, parang kuya ko na rin talaga sila dahil sinugod nila si Joaquin noon. Buti nalang napigilan kundi bugbog sarado na siya.

"Yeah, his name is Jason Vaughn Borromeo, baka kilala niyo?"

"Oh really? Wow ah!"

Sabi ko na kilala nila eh. Ganun talaga siya kasikat at kayaman.

"Son of Mr. Nat?"

"Yeah, Kuya. Buti kilala niyo?"

Nakaramdam ako nang sunod-sunod na kalabit sa baywang ko pero hindi ko muna pinansin dahil may kausap pa ako.

"Of course. Sila ang may-ari nang pinamalaking kumpanya dito sa Pilipinas tapos ang alam ko nagkakaroon pa sila nang business partners abroad" tulad kasi ni Kuya, nagtatarabaho na rin sila.

Si Kuya Jaeri may girlfriend, si Kuya Bein naman may fiancé na..... samantalang si Kuya? Ayun kami inaatupag. Pakiramdam ko nga nawawalan na siya nang oras sa sarili dahil binubuhos niya lahat sa amin.

Kaya ngayon? Sisiguraduhin kong magiging masaya ang selebrasyon niyang ito.

Nagpatuloy ang kalabit sa akin. Nilingon ko iyon, si Alja pala.

"Why?" bulong ko, umiingay na kasi dahil masaya ang tugtugin.

"Pakilala mo naman ako" sabi ko na nga ba. May bago nanaman siyang gusto.

"Ah Kuya Jae and Bein here's my friends"

Unang una pang tumayo ang gaga. Nakipagkamay sila pati na rin ang mga lalaki.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon