KABANATA 11

383 68 10
                                    

-CONFESS?-

Jason Vaughn's POV

Saturday, ETO na ang hinihintay ko! Baka sa meeting naming ito ay mas makilala ko si Faustina.

Yes, crush ko siya. Parang gusto ko lang siyang pasayahin. I don't want to see her cry.

10am ang call time. Pero nandito na nang 9:30, nakakahiya naman kung paghintayin ko sila.

Wala pang ilang minuto ay dumating na si Alexine halos magkasabay sila ni Caleb. Sa mga usapang ganito, si Gab lagi ang late.

"Buti hindi mo kasabay sina Iza at Faustina?" tanong ko kay Alexine.

"Sabi kasi nila dito nalang kami mag-meet para raw hindi na ako maglakad papunta sa bahay nila" pagpapaliwanag niya.

"Okay." tipid kong sagot.

"May naisip na ba kayong topic?" si Caleb

"Kami nina Fauz, wala pa. Andami kasing iniisip nang babaeng iyon eh" sagot ni Alexine.

"It's okay. Matagal pa naman ito eh. I think mauuna pa ang Social Experiment sa Social Psych" totoo naman yun, si Miss Nievera hindi naman nagmamadali yun saka nakakaintindi siya.

"SANA nga" si Alexine.

Alas diyes na pero wala pa sina Iza at Fauz. Kaya naisipan kong tawagan nalang siya.

"Hello? Sino to?" nasave ko naman ang number ko ah.

"Uhm, si Vaughn to." pagpapakilala ko.

"Ah Vaughn, pasensya na ah malelate kami-" hindi ko narinig ang huling sinabi niya, sa sobrang hina.

"Aray ko naman!" bigla nyang sigaw.

"Are you okay? What's wrong?" me.

"Ah wala wala, ano kasi eh....hindi namin alam papunta diyan, oo yun. Kaya medyo malelate kami."

"Really? Kung gusto niyo sunduin ko na kayo okaya naman ipasundo ko nalang kayo kay Gabby. On the way na siya."

Sinabi rin ni Gabby na on the way na raw siya.

"Ah ganun ba, sige ba. Text ko nalang address. Bye"

Binaba na niya.

Napagpasyahan ko nang magorder. Madalas kasi kami nina Caleb at Gab dito. Mostly groups kasi ang mga kumakain dito.

Best sellers ang mga inorder ko para matikman nila.

Mga 30mins kami naghintay sa kanilang tatlo. Sa wakas dumating na sila.

Faustina is stunning. Ang simple niya. Black Tshirt and Brown pants, black rubber shoes naman ang suot niya sa Paa.

She looks irritated.

Umupo na sila sa harapan namin, Magkaharapan kami Sa harap ko ay Alexine, sa harap ni Iza si Caleb. Si Gab naman ang kaharap ni Faustina.

"Let's eat first" saad ko.

Dumating ang pagkain, nagsimula na kaming kumain.

Napalingon ako kay Faustina na hindi ginagalaw ang pagkain niya.

"Sorry, but. I don't like....potatoes" I asked her to taste it.

I didn't know that.

"Shit" napamura ako. That was a wrong move.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now