KABANATA 40

231 23 2
                                    

-I Love You-

Nandito na kami sa harap nang malaking bahay. Pinagbuksan kami ng gate nang bumusina si Vaughn.

May daan pa kaming tinahak bago makarating sa mismong bahay nila. Ang ganda talaga dito, mula sa labas hanggang sa loob. May malaking hardin sila pagkatapos noon ay mas malaki ang pool nila kaysa sa amin. May mga kubo rin.

Malamang may mga ano-ano pa sa likod ng bahay nila.

"Mas maganda pala talaga dito tuwing maaraw. Nakikita mo talaga ang mga bulaklak"

"Yeah, gusto mo bang pumunta diyan?" nagmamaneho pa kasi siya.

"Mamaya nalang, bago umuwi"

Tinitigan ko lang ang mga ito hanggang sa makalagpas kami doon.

Malaki ang garahe nila, sobrang daming sasakyan, iba't-ibang tatak at laki.

Magkahawak-kamay kaming pumasok sa bahay nila. Maraming sumalubong na mga katulong mga walo, akala ko ay hindi papansinin ni Vaughn iyon pero nginitian niya ang mga ito, ganoon din ako.

Karamihan kasi sa mga mayayaman, hindi pinapansin ang mga katulong dahil mababa ang tingin nila rito.

"Nasaan sina Tito at Tita?"

"Ahh, nasa US may inaasikaso sila doon"mukhang hindi siya masaya tungkol doon.

Ikaw ba naman maiwan sa isang malaking bahay? Wala ka pang kasamang kapatid o sinong kamag-anak.

"Ay ganun. Edi ikaw lang mag-isa dito? Ang lungkot naman ang laki pa naman nito"

"Oo. Pero hindi ako malungkot dahil nandito ka"

Sana nga. I just glared at him.

"Ang dami mong alam" ginulo ko ang buhok niya. Nakaupo na kami dito sa sala nila dahil hinihintay namin ang apat.

"Of course, I love you!" sinabi niya iyon na nakatingin sa mismong mata ko.

Namula ako kaya tumayo ako na pupunta sa Comfort Room.

"CR lang ako. Saan ba?"

"Uhm, ate Moni pakisamahan po si Lori sa CR"

May lumapit sa aking kasamahan nila doon.

"Ikaw ba ang nobya ni JV?"

"Ah opo hehe" nahihiya ko itong sinagot. Bakit alam nila?

"Baka nagtataka ka kung bakit ko alam, sa tuwing umaalis kasi siya sinasabi niya na pupunta siya sa inyo kaya abot langit ang ngiti niya" masayang pagkukwento niya.

"Ikaw palang din ang dinala niya rito, karamihan kasi sila mismo ang pumupunta dito para makita iyang alaga ko" dagdag pa nito.

Interesado naman akong malaman ang mga ito, ako palang pala? Torpe po kasi iyang si Vaughn. Haha.

"Ahh ganon po ba. Sino-sino ang pumupunta?"

Kailngan kong malaman dahil ako ang girlfriend niya ngayon para alam ko kung sino ang mga malalanding babae.

"Noon marami talaga dahil pinapaabot ang mga regalo nila kay JV pero ngayon iyong anak nina Mr at Mrs. Sarmiento"

Inalala niya pa. Si Eunice lang naman ang kilala kong Sarmiento.

"Maganda po ba? Tapos na matangkad sa akin at makapal ang make-up?" inaamin ko namang maganda siya pero nakakapangit lang talaga ang ugali niya.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now