KABANATA 29

274 39 13
                                    

-Finding Papa-

"Anak, magsuot ka ng maayos ha? Siguradong iikot kayo" saad ni Mama, nandito siya sa kwarto ko ngayon tinutulungan niya akong maghanap nang susuotin.

I wore dark blue longsleeve croptop partnered it with high waisted shorts.

"Ayan dapat ganiyan. Sigurado kabang kakayanin mo? Masyadong malaki ang Camarines Sur" pagaalinlangan ni Mama.

Ayaw niya talaga aking payagan, mapapagod lang daw ako. Pero ako nagpumilit pa, sa kagustuhang ituloy ang lovestory nila. Nang sinabi ko sa kanya iyon, kinilig si Mama. In the end, pumayag din siya.

"Ma, kaya ko na ito. Hindi lang naman ako ang naghahanap. Kasama ko sina Iza at Alja"

"Oo nga anak. Kaso hindi mo naman trabahong hanapin siya. Kapag naging maayos na ako nang tuluyan, ako na ang maghahanap sa kanya para makasama mo siya"

Nilapitan ko si mama. "Ma, napag-usapan na natin ito diba? I will be fine"

"Dapat lang!"

Bumaba na kami. Iniabot sa akin ni Mama ang white sneakers ko, iyon daw ang isuot ko wag ang matataas.

Tinawanan ko siya. Sobra talaga ang pag-iingat niya sa akin. Pinagluto pa nga niya kami nang makakain, napakadami.

"Ang dami naman nito" tatlong paper bag puno nang mga tupperware. May pananghalian na rin.

"Siyempre. Sigurado akong magugutom kayo"

Isinuot ko na ang sneakers ko, sinundo na ni Kuya Carding ang dalawa.

"Hanggang alas kwatro lang ha? Hindi na pwedeng magpagabi."

"Opo.."

"Mag-iingat ka anak, I love you" tinapik ni Mama ang likod ko.

Niyakap ko siya. "I love you, Ma. Para sayo to!"

Nasundo na ni Kuya Cards sina Iza nang pumasok ako sa sasakyan.

Me:
Vaughn, we'll go now. I will be fine there.

From: Mr. Suplado
You sure? I can come.

Me:
We can handle this. Just stay there.

From: Mr. Suplado
Just keep me updated, please? Kung saan kayo pupunta or kung nasaan na kayo.

Me:
I promise. Gotta go. Text nalang kita.

From: Mr. Suplado
Take care, honey. I miss you.

"Wala na raw siya doon maraming taon na ang nakalipas" pagbabalita sa akin ni Iza at Alja.

Pumunta sila sa bahay ni Papa dati, sinusubukan naming kumuha nang impormasyon doon. Ako naman ay pumunta sa mga lugar na pinupuntahan nila noon, kaso wala akong nakalap na kahit ano doon.

"Ano ang nakuha ninyong impormasyon?"

"Ang sabi nang matanda, mayaman na raw siya ngayon. Pero iniba na raw niyaa ng pangalan niya kaya posibleng hindi natin siya mahahanap agad"

Ginawa ni papa iyon? Malaking tulong siguro ang nagawa nang mga Borromeo sa buhay ni Papa kaya siya yumaman ngayon.

"Saan na ang sunod natin?"

Sa dalawang araw na paghahanap namin nang impormasyon kay Papa, ngayon lang kami nagkaroon nang tamang impormasyon.

After class ay nagtutulungan kaming tatlo na maghanap kay Papa, natapos na naman namin ang malalaking projects tulad nang Social Experiment kaya sa oras nang walang klase nagkakalap kami nang impormasyon.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now