KABANATA 65

148 16 0
                                    

-LAST Chapter-

Pagkatapos ng aming surpresa sa isa't-isa, nag-usap pa rin kami sa phone.

From: Bunch
Hi, nakauwi kana? I miss you already

Me:
Jerk

From: Bunch
Honey? I'm just informing you that I love you

Me:
I love you more

Naalala kong sinabi sa akin ni Mama kanina na ang tungkol sa pamamanhikan. Pero ang gagawin lang naman ay magpaplano sa gaganaping kasal.

Me:
Honey, sabi sa akin ni Mama ang tungkol sa pamamanhikan. But we will discuss about our wedding.

From: Bunch
Actually I already informed them. We will come this Saturday"

SA sumunod na ilang araw, pumunta ang pamilya ni Vaughn sa bahay namin para mamanhikan. Ito kasi ang nakasanayan ni Mama at Papa kaya gusto nilang gawin namin. Bago kaya ikasal si Mama kay Papa, nagpaalam pa rin si Papa kila Mommy and Daddy.

Dapat kumpleto kaming nandito, inaasahan namin ang pagdalo ni Mommy and Daddy.

"Inaaaa" masiglang pagtawag ni Mommy sa pangalan ko.

Ilang buwan palang pero miss na miss ko sila, humakbang ako papalapit sa gawi nila para salubungin ang kanilang pagdating, pinapasok ko sila saka pinaupo sa sofa.

Malaki ang sofa kaya siguradong magkakasya kami mamaya rito.

"Kailan ba ang kasalang ito?" sa gitna ng pagkukwentuhan, nagtanong si Lolo.

"Dad, hindi pa namin napag-uusapan ang totoong petsa pero mamaya sisiguraduhin na namin" si Papa ang sumagot kay Lolo.

"Ikaw ah, umalis ka lang tapos mababalitaan kong ikakasal kana. Baka naman kaagad kang bumigay?"

Kung ako rin siguro ang nasa sitwasyon nila, magtataka din ako. Kaya naman ikinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa amin.

Naintindihan nila ito kaya naging sang-ayon sila sa naging desisyon ko, namin. Their approval is all I need.

"Just love him, you'll be the best wife" Mommy whispered.

'Di nagtagal dumating na ang pamilyang Borromeo. Nagbatian isa-isa bago umupo.

Ako ang inatasan ni Mama na magsilbi sa kanila, pero nailuto na ni Mama ang aking iseserve. Kumuha ako ng maiinom at cake na makakain nila, mayroon din namang prutas kung sakaling hindi nila ito gusto.

"I'll carry it for you" naramdaman ko ang hininga niya na lumakbay sa kanang tainga ko.

"Vaughn, just sit there. Ako na" sila ang bisita  kaya dapat ko lang silang pagsilbihan.

Nagtaka ako kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya sa sinabi ko. Sobrang lungkot ng mga mata niya na tumalikod sa akin.

"Hey, sorry" kahit hindi ako sigurado, humingi na ako ng paumanhin.

"Okay" he coldly said.

I nodded. "Bakit ba? Sinabi ko lang naman na kaya ko na eh, kayo ang bisita kaya kailangan ko itong gawin"

"Hindi naman iyon eh" malapit na siyang sumigaw pero hindi natuloy. Dahil nasa alas lang ang pamilya namin.

Hindi bukas itong kusina, pero maririnig ka kapag malakas ang boses mo. Hindi rin nila nakikita kung anong ginagawa namin.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon