KABANATA 30

298 41 13
                                    

Jason Vaughn's POV

Naiintindihan ko si Iza kung bakit ayaw na niyang ipaalala ang nangyari sa amin noong nakaraan. Kaya pala ganoon nalang ang nangyari kay Lori sa outing namin.

May sinabi si Iza na inalala niya talaga, sa huli hindi na niya ito maalala kaya nawalan siya nang malay.

Paano pa kaya kung ang mabigat na alaala? Na ako ang kababata niya na matagal na niyang iniisip. Ayoko siyang mabigla.

Napagdesisyunan kong hindi ko na sasabihin sa kanya ito. Wala na rin namang saysay dahil hindi niya maaalala pa, siguro hindi ko nalang ulit iisipin ito.

Dapat nga maging masaya ako dahil nalaman ko na siya pala ang matagal ko nang hinahanap, na ngayon nililigawan kona. Hindi naging madamot ang kapalaran namin kaya nagkita kaming muli.

"Tahimik ka ata ngayon?" naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Lori.

"Gusto mo bang magpatugtog?" tinuro ko ang speaker sa kotse ko, baka kasi tanungin pa niya kung anong iniisip ko..

"Taylor Swift songs please."

I played Safe and Sound

Nakita kong hinihintay talaga niya magsimula ang kanta.

"~I remember tears streaming down your face
When I said I'll never let you go~" sinabayan niya ito

Namangha ako sa napakaganda niyang boses, hindi ko inaasahan na ganito pala ang boses niya. Ang sarap pakinggan.

"~When all those shadows almost killed your light
I remember you said, "Don't leave me here alone"
But all that's dead and gone and passed tonight~"

Nakahuhumaling ang tinig niya, I want to hear and feel it. It feels so good.

"~Just close your eyes, The sun is going down~"

Nakikinig lang ako sa bawat liriko na sinasabi niya. Hinihintay pa ang susunod.

"~You'll be alright, No one can hurt you now
Come morning light, You and I'll be safe and sound~"

Sabi nila, mas mapapahalaga mo kung ang taong gusto mo ang kumanta. Pero iba talaga ang boses niya, yung tipong mawawala ang pagod mo o anong bigat na nararamdaman mo.

"Wow! Just wow! Your singing makes me feel like I am floating in the air"

"What?" she asked with a silvery voice.

Naalala ko noon, kinakantahan kami ni Ina. Hindi talaga kumupas ang sweetness ng boses niya gayong matanda na kami, mas gumanda at gumaling pa siya.

"I haven't heard this before, your voice is my favorite but now I wanna hear this everyday!"

She just laughed. "Thank you!"

I have a bright idea!

"Can you sing for me?"

Humarap siya sa akin."Of course, ano ba ang gusto mo?"

"I mean, bukas. Sa party"

"You sure?" In a tight voice she said

Is she nervous? Her voice was actually good! I mean it's great.

"Yes, I am" seryoso kong sabi. "Please.."

She breathes deeply. "Sige na nga. Birthday gift ko na din"

Hininto ko ang sasakyan. "REALLY? THANK YOU!"

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now