KABANATA 35

263 33 2
                                    

-COMPLETE-

"Hoy, saan kayo natulog?" tinanong ko si Iza habang nasa loob kami nang kotse ko.

"Sa guest room. Magkatabi nga kami nito eh" tinuro niya si Alja na natutulog ulit.

"Lakas ng tama ni Alja ah"

Kanina kasi habang kumakain kami ay inaantok pa siya, hilo na hilo siya

"Haha, oo nga!"

"Kasama ba ninyo sina Caleb sa isang kwarto?"

Nanlaki ang mata niya. "Hoy! Hindi ah"

"Sure ka ba diyan?"

"Oo nga! Swear to God" Itinaas pa niya ang kanang kamay niya. Tinanguan ko nalang.

"Eh ikaw nga magkasama kayo sa isang kwarto" sambit niya nang hindi nakatingin sa akin.

"Sa mini bed niya, doon siya natulog"

"Ano kayang nangyari kagabi?" aniya na nagiisip pa

"Baliw 'to! Malamang wala! Hindi pa ako ready diyan saka hindi pa naman kami" naiirita kong sagot

Humalakhak siya. "Ang dumi nang isip mo" pinagpatuloy niya pa.

Pinalo ko siya dahil baka magising pa si Alja sa sobrang ingay ng tawa niya.

"Ibig kong sabihin, ano nanaman kaya ang ginawa mo? Siguro umamin kana" tinitigan niya ang mga mata ko.

Wala naman akong natatandaan na may sinabi ako sakanya na ganoon. Basta ang alam ko lang ay binuhat niya ako papunta sa kama niya.

"Basta natulog lang ako, wala akong sinabi sa kanya" kampante kong sabi.

"Talaga lang ha? Tatanungin ko nga si Vaughn" banta niya.

"Edi tanungin mo! Wala naman talaga akong sinabi, ewan ko ba nung pababa kami tumawatawa tawa siya"

"Baka meron ka ngang ginawa or sinabi"

"Ih bahala na, past is past!" padabog akong humarap sa bintana.

Magkakatabi kasi kaming tatlo dito sa likod tapos sa gitna namin ni Alja si Iza.

Isa-isa silang hinatid ni Kuya Cards, nauna si Alja dahil malapit lang naman ang bahay niya mula kina Vaughn, buti nga wala ang magulang niya kaya nagawa niya ang gusto niya.

"Bye" inaantok pang pamamaalam niya sa amin.

Sunod na doon ay si Iza. Inaantok pa din siya gaya ni Alja, sigurado akong matutulog lang ito kauwi niya.

"Bye, thank you kuya Cards"

Nakaramdam na din ako ng antok nang makauwi kami. Pero ang haba na naman ng tulog ko eh, sadyang hindi lang ako sanay na uminom.

"Anak, pasensya na hindi kita napasunod dahil nakatulog na rin kami sa pagod" sinalubong ako ni Mama, halatang hinihintay niya ako.

"It's okay, Mama"

"Saan ka pupunta?" nakaayos kasi siya, parang aalis nalang.

"Anong ako? Sasama ka" umupo siya para maglagay nang earings.

"Pati si Kuya mo sasama, pero susunod nalang siya" tumayo si Mama para ayusin ang buhok ko. Hindi ko siya maintindihan.

"Saan tayo pupunta?"

Hindi na siya nakasagot dahil may isang lalaki na dumating.

Si Papa.

"Anak" niyakap ako ni Papa.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now