KABANATA 21

322 53 15
                                    

-FIRST ARGUE-

"Ito na ang perfect spot. Doon kami sa may tabi nang DQ. Goodluck sis!"

Iniwanan na nila ako dito sa hallway. Maraming tao ang naglalakad. Napag-usapan na namin kanina ang gagawin ko, ihuhulog ko ang mga barya mula sa bag ko tapos mabagal kong pupulutin. Mga 300 pesos ang barya na ito.

Sinimulan ko nang maglakad tapos habang walang nakatingin, inihulog ko ang mga barya. 100+ lang siguro ang nahulog dahil hindi ganoon karami.

Nagpulot na ako ng mga barya, may mga taong tumingin lang,.mayroon ding mga tumulong pero iilan lang na barya ang kinuha nila saka ibinigay sa akin, hindi ko magawang kausapin dahil hindi ko pa napupulot lahat.

Marami ang tumulong, halos seniors sila eh. Kaya hindi nila natatagalan madali silang mangalay, may mga gwapong lalaki, kaso pinipigilan nang mga girlfriend nila.

Natapos ko nang pulutin, pero may isang lalaki na hindi ako iniwan hangga't hindi ako natapos. Thank God! May maiinterbyu kami.

Dali-dali akong pumunta sa gawi niya. Iniabot niya ang maraming barya.

"Thank you for helping me. I'm Faustina'"

"I'm Trison" kaswal niyang sabi.

Nakita kong papalapit na sila sa amin.

"Hi Trison. Again, thank you for helping me. Can we get an interview from you?" diretso kong tanong.

Tuluyan na silang nakalapit sa amin. "Hi Trison! How are you?" si Alja.

"Hey, Alexine. I'm good, you're friends with her?" he asked Alja. Maging kami ay nagtatanong.

"Girls, he's Trison. My former classmate, pero same course natin siyang psychology" pakilala ni Alja. Kaya pala.

"Tinanong mo na ba siya about sa interview?" Iza asked, whispering.

"I'll do the interview" mabilis na sabi ni Trison.

"Thank you, Trison! Wanna join us? Maglulunch na kami niyan, habang ini-interview ka namin. Kumakain tayo" niyaya na siya ni Alja for lunch.

Nagbago ang itsura namin ni Iza. Hindi kami sanay na may ibang taong kasama kumain. Lalo na kung lalaki.

"I'm going somewhere, maybe next time nalang. Basta ngayon magpapainterbyu ako" ani ni Trison habang nakatingin sa amin.

"Thank you! We'll treat you an ice cream" I volunteered.

"Yeah sure!" he smiled.

Umupo kami sa harap nang DQ, si Alexine ang pumila para umorder.

"Why did you transfer? I mean dapat magkaklase pa kayo ni Alexine diba?" eto na ang FC kong bff.

"Uh, yes. May dahilan naman eh. Gusto ko nalang umiwas sa gulo" he replied, pero parang wala naman siyang balak magkwento or something.

Dumating na si Alja dala ang apat na baso. Binigay niya sa amin isa-isa.

"Kamusta ang bagong classmates mo?" Alja asked him, mukhang magkaibigan sila.

"Okay naman. Mas tahimik na" malumanay niyang sabi.

Nagkakatinginan lang kami ni Iza, out of place kami eh. Tinignan namin si Alja, mukhang alam na niya ang ibig naming sabihin kaya tumango siya.

"Transferee sila, kaya ngayon mo lang nakita" kami ang tinutukoy ni Alja.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now