KABANATA 26

301 48 15
                                    

-REUNITED-

"Anak, akala ko mamaya pa kayo uuwi?" Mom asked, habang nagmamano kami sa kanya.

"Tita, nagkaroon po kasi nang sabunutan" si Alja. Alam naman nila na bawal ang pagsisinungaling dito sa bahay kaya wala kaming tinatago kay Mama.

Tinignan kami ni Mama. "Hindi masasakit ang ulo ninyo?" hinawakan niya ang mga ulo namin para masigurado kung masasaktan kami, pero bigo siya.

"Ma, hindi naman sila masakit manabunot!" pagmamayabang ko.

"Sumakit ba ang ulo niya?" bulong ni Mama kay Iza, pero dinig ko naman.

"Hindi ko po alam, pero kumirot raw nang kaunti" pabalik niyang bulong habang nakatingin sa akin.

Tinanguan siya ni Mama. "Kayo ba ay kumain na?"

"Opo tita. Doon sa restaurant nina Alja yung Valina's" magiliw na sagot ni Iza.

"Ay mukhang mahal doon. May discount ba kayo?"

"Ah opo. Sa totoo lang libre nga eh" ako na ang sumagot.

"Mabuti kung ganoon" hinawi ni Mama ang buhok ni Alja.

"Nasaan pala ang mga magulang mo iha? Mabuti at pinayagan ka nilang manlibre" Takang tanong ni Mama. Ang alam lang namin ay wala rin dito ang magulang niya, minsan lang umuwi.

"Nasa US po. May inaasikaso po kasi sila doon kaya sabi nila, I can do whatever I want" malungkot niyang sambit.

"Bakit ka malungkot? Dapat maging masaya ka dahil you can do whatever you want" saad ko.

"Anak" hinaplos ni Mama ang ulo ko. "Walang saysay ang mga ganoong bagay kung ang tanging kagustuhan mo lang ay makasama ang mahal mo sa buhay" hindi ko maintindihan iyon, wala namang sinabi si Alja na ganoon..

Binigyan nang nakakaawang tingin ni Mama si Alja saka niyakap. Nabigla kami ni Iza nang humagulgol ito sa balikat ni Mama.

"It's okay. Nandito ako, anak" saad ni Mama na mas ikinaiyak niya.

Niyakap ako ni Iza. Alam ko na ang dahilan, marahil ay walang oras ang mga magulang niya para sa kanya. Kaya pala madalas siyang tulala o kaya naman sa tuwing kasama niya kami todo ang bigay niya sa amin.

"Salamat po tita. Matagal ko na po kasi itong kinikimkim" mugto na ang mata niya nang hinarap kami.

"Maging bukas ka sa mga kaibigan mo, o kaya sa akin. Marami kaming mapagsasabihan mo" malumanay na sabi ni Mama, naiiyak muli si Alja.

Iza and I hugged her. "Feel free, we have a ears to listen. Hindi mo kami maabala" I said

"Kami nga puro kwento about sa lahat, alam mo na nga ang childhood namin eh. Sinabi namin iyon para aware ka sa lahat" binanggit namin lahat sa kanya ang mga alaala na nagawa namin ni Iza.

"Yeah, from now on magkukwento na, mas gagagaan pala ang pakiramdam ko lalo na ngayon may mapagsasabihan ako" niyakap niya kami pabalik.

"Anong gagawin ninyo niyan?" Mom happily asked.

"May ikukwento po kasi ako sa kanila. Kaya po nandito kami" pagpapaalam ni Alja

Isinensyas ko ang hagdan."Aakyat kami, Mama"

"Oo sige. Dalhan ko nalang kayo nang meryenda doon, nag-bake ako kanina ng cake" nilingon namin ang sinabing cake, chocolate at Banana Cake. Masarap mag-bake si mama kaya excited akong matikman ulit.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora