KABANATA 64

123 15 0
                                    

-Can we?-

Hinayaan kong lumipas ang ilang linggo pagkatapos ng usapan naming iyon. Nahihiya pa kasi akong humarap sa kaniya lalo pa't hindi ko siya pinakinggan.

Isang buwan na simula nung makauwi kami dito. Sa isang buwan kong pag-uwi nararamdaman ko pa rin na parang mayroong kulang.

Ano nga ba ang dapat kong sabihin sa kaniya? Na bumalik kami sa dati? Eh hindi naman ganoon kadali iyon. Iyan lagi ang tanong ko sa sarili habang nag-iisip ng pwedeng gawin.

Mukha naman akong desperada kung ganoon ang sasabihin ko, baka nga hindi na niya gustong magkabalikan kami. Kung iisipin, parang gusto nga lang niya na malaman ko ang totoong pangyayari.

"Lalim ng iniisip ah?" bungad sa akin ni Chard.

"Hindi ko alam kung kailan ko siya kauusapin, o paano ba?"

Pinandilatan niya ako sa mata niya,
"Nako, akala ko bang napag-isipan mo na?"

"Oo, pero nahihiya naman ako kung sasabihin ko kaagad iyon"

Ako na ata ang may pasan-pasan ng kahihiyan sa mundo, pero tulad nga nang sinasabi nila. Hindi ko kasalanan na unahin ko na muna ang sarili ko. Sadyang nahihiya lang akong kausapin siya dahil hindi ko man lang pinakinggan.

"Hindi mo naman diretsuhin eh"

"Ha? Paano?" tanong ko sa kaniya habang kinukuha ang itlog para ipalaman sa tinapay.

"Hintayin mo siyang magpaliwanag, tapos kung nakikita mong mayroon pang patutunguhan ang pag-uusap ninyo, subukan mo kung may pag-asa pa ba kayo"

It makes sense. Wow!

"Nice idea!"

"Kailangan mo lang talaga ng isang Amchard sa buhay mo"

"Thank you" sincerely I replied.

"You're welcome, basta ah hanapan mo ako ng jowa dito"

Ganyan yan, kunwari mayroong kapalit ang mga tulong niya sa akin pero wala namang kwenta ang mga hinihiling niya.

"Ikaw pa talaga ang naghahanap? Sa daming babaeng halos lumuhod sa iyo, ayaw mo pa ring patulan"

He's humble, that's all! He got everything, not girls. He's the type of a man that picky to girls. Kaya siguro walang pumasa.

"Gaya ng sinabi mo, hindi ko sila gusto. Pero hindi ako tulad mo na deny ng deny sa nararamdaman ko"

"Oo na!"

"Ayan, aminin mo na kasi" dinig kong sabi ng isang babae.

Lumingon ako sa gawi nung nagsalita, si Alja lang pala. "Alexine Jade! Finally, nandito kana" yumakap ako sa kaniya.

"Siyempre! Akala ko bang ngayon na ang araw na aamin ka?"

"Ikaw ba umamin ka?" pagbalik ko ng tanong.

Imbis na sagot ang marinig ko, hampas niya ang naramdaman ko sa balikat ko. Ganyan sila eh mapanakit. Chos!

Oo, ito na nga ang pinaghahandaan naming lahat. Ang pag-amin ko kay VAUGHN. Aamin na ako, hindi na ako duwag sa nararamdaman ko dahil hindi ko naman ito matatalo..Pati mga utak ko sinisipa na ako para gumalaw na.

Sila ang nag-isip nito eh, na dapat daw maghanda kami kung sakaling maging kami ulit. Kahit na walang kasiguraduhan, nananatili kaming positibo.

"Mahal ka nun! Ikaw pa ba?" Gab whispered, kasabwat din namin sila ni Caleb dito.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now