KABANATA 28

271 43 13
                                    

Nakatulog kami ni Iza. Nang magising ako, nandito na sina Tita Linda at kuya Herron. Natutulog pa rin si Iza

May dala silang maraming pagkain, alas nuebe na kasi ako nagising muli. Masakit kasi ang mata ko kaya hindi ko maimulat nang maayos kaya mas pinili kong matulog nalang.

"Tita, wala ka po bang pasok?" bungad ko kay Tita Linda

"Ayos lang naman na hindi ako pumasok. Sa amin naman ang kompanyang pinapasukan ko, saka ngayon ko lang maalagaan muli ang Mama mo" nanatili ang ngiti sa kanyang labi.

"Thank you po. Maswerte po si Mama dahil nakilala ka niya" pagpuri ko.

Hinaplos niya naman ang noo ko."Maswerte rin ako sa kanya"

"Ah, Tita" tinawag ko siyang muli nang ayusin niya ang dala nilang maraming pagkain. May mga take out na kanina pati ulam, sa restaurant nina Alja galing ang mga ito.

"Yes, iha?" nakatalikod siya sa akin.

"Si papa po. Alam niyo ba kung nasaan siya?" hinihintay ko ang sagot niya, pero napansin kong napatigil siya sa pag-aayos.

"Nabanggit po kasi sa akin ni Mama na magkakaibigan kayo..salamat din po pala sa pagtulong sa kanya" muntikan ko nang makalimutang magpasalamat.

"Walang anuman" humarap na siya sa akin. Pero nabaling ang paningin niya sa likod ko.

Tinignan ko kung ano ang tinitingnan niya doon.

"MA!" lumapit kami kaagad kay Mama, sa wakas gising na siya.

Niyakap ko siya nang mahigpit, miss na miss ko siya kahit na ilang oras lang siyang natutulog.

"Anak, hindi ka pumasok?" iyon agad ang napansin niya, kahit na sobra na ang pag-aalala mo sa kanya. Ikaw pa rin ang iisipin niya.

"Pati si Iza? Bakit hindi kayo pumasok?" sunod-sunod na ang tanong ni Mama.

"Ma" hinawakan ko ang kamay niya. "Babantayan muna namin kayo. Saka lalabas na din kayo mamaya or bukas"

"Hayaan mo na sila, Lou. Sina Vaughn na ang bahala sa activities nila" pinakalma siya ni Tita Linda.

"Ang mahalaga ngayon ay gising ka na" naluluha nanaman ako.

Lumabas kasi ulit si Kuya nang maihatid niya ang pagkain.

"Papunta na si Alja" biglang singit ni Iza sa amin. "OMG! Gising kana tita" nakabubulabog na sigaw niya.

Tinawanan namin siya. "Bakit pupunta si Alja? Nagsisimula na ang first class" bulong ko sa kanya. Hindi rin nila kaming napansin dahil nag-uusap si Tita Linda at Mama.

"Hindi siya pumasok, sinasabi ko kasi sa kanya ang nangyari kaninang ala dos" pabalik niyang bulong.

"Lagot tayo kay Mama. Baka magalit siya" kinakabahan ako, bawal siyang nabigla or magalit.

Biglang may kumatok sa pinto, kaya napunta doon ang atensyon namin.

Si Kuya Herron pala.

Nanlaki ang mata niya nang makita si Mama. "Ma.." lumapit siya sa amin, binaba niya ang dala-dala niya.

"Anak" hinawakan ni Mama ang mukha ni Kuya. "I'm fine"

"Thank God!" hinalikan ni Kuya si Mama sa kamay.

Sobrang caring talaga ni Kuya, kahit na sobrang busy niya nandyan pa rin siya para bantayan si Mama.

"Ilang oras umiiyak si Lori?" biglang tanong ni Mama kina Kuya.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now