KABANATA 44

200 20 2
                                    

-DATE WITH HIM-

Nagising akong nakayakap kay Iza, habang si Alja naman nakapatong ang paa niya sa akin. Kaya sa tuwing dito sila natutulog sumasakit ang buong katawan ko.

Dahan-dahan kong inalis ang paa niya para tignan kung anong oras na ba. Ngayon kasi ang paghahanda namin para sa isang linggong outing!! I'm so excited.

Omayghad! Bakit dito pa?

Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Mama. Bakit naman kasi sila nakahubad nang damit? Porket maganda ang katawan kailangang ipglandakan? GRR.

"Anak, maghanda ka na dahil magsisimba pa tayo nang Papa mo" nag-aayos na pala si Mama.

Umalis ako doon para bumalik sa kwarto ko, mahimbing pa rin silang natutulog kaso wala na si Vaughn, nasaan kaya yun? Si Caleb nga ay nasa couch kona. Malamang hindi sila ganun sanay sa masikip. Hindi naman sa masikip pero baka ganito din ang kama nila sa mga sariling kwarto nila.

Pumasok na ako sa banyo. Maliligo na ako, bahala na kung sasama ang mga ito.

Bago ako pumasok sa shower room, kumuha akong tuwalya para mas maabot ko agad kapag natapos na ako.

"AY TAE!"

Tumingin siya sa akin, tinakpan ko agad ang mata ko.

"Goodmorning" aba! binati pa ako ng loko.

"Tapos kana ba? Bakit kasi hindi ka nagsasalita nandito ka pala"

Balak ko na sanang maghubad para papasok nalang sa shower room, pero buti nalang diko ginawa. Hindi ko kasi tinignan kung may tao eh, tapos hindi pa niya ni-lock ang pinto dito sa bathroom.

"Sorry, naiihi lang talaga ako" saka na nagflush ang toilet. Touchless Toilet ito kaya kahit huwag mo nang hawakan.

"Uhm, okay. Lumabas kana dahil maliligo pa ako" mataray kong sagot.

"Magsisimba kayo?" ang daming tanong....

Humarap ako ulit sakanya. "Oo, kaya binibilisan kona dahil pagagalitan ako ni Mama kapag nahuli kami"

Sinara kona ang shower room, hindi naman niya ako makikita kahit na maghubad ako.

"Honey, you still there?" feel ko kasi nandito pa siya.

Sinuot ko ang bathrobe ko, saka konting binuksan ang pinto sa shower room, sapat na para masilip ko kung may tao sa labas.

Wala na siya..

"Sama na kasi ako" bigla niyang sabi. Akala ko pa naman umalis na siya.

"Ngi, wala ka namang damit. Umuwi kana muna kaya? Tapos magkita nalang tayo doon"

"Oo sige. Pero susunduin pa rin kita hehe. Pinadala kona yung kotse ko dito"

Magsasalita pa sana ako nang may kumatok.

"Hoy, anong ginagawa niyo diyan? Hindi pa kayo mag-asawa ah bakit sabay kayong naliligo?" galit na galit si Iza habang sumisigaw mula sa pinto.

Binuksan namin iyon para makita niyang wala talaga kaming ginagawang masama.

"Ah umihi kalang?" napapahiya niyang tanong kay Vaughn.

"Yeah, hindi ko kasi nasarado ang pinto kaya akala niya walang tao. Tapos ayan maliligo na raw siya" nagpaliwanag si Vaughn habang ako tumatango tango lang.

"Ah sige. Hindi kami makakasama nina Alja magsimba, kasi dadating si Papa at Ate ngayon" walang gana niyang sabi. Kaya siguro bad trip siya.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now