KABANATA 33

253 37 3
                                    

-PA?-

Third Person's POV

Nang matapos si Lori sa pagkanta, kinausap na na ni Linda si Lourina.

"Tara, may sorpresa kami sa iyo" magtatanong pa sana si Lourina kaso hindi na siya nakapagsalita dahil hinatak na siya ng kaibigan paalis doon.

"Isusuot ko sa iyo ito ha" nagpaalam muna siya bago niya ikinabit ang panyo sa mga mata nito.

Natakpan ang paningin ni Lourina kaya hindi niya alam kung saan sila pupunta.

"Anong sorpresa iyan? Bakit may ganito pa" nagtataka na siya habang umaakyat sila sa hagdanan.

"Basta, magugustuhan mo ito. Ito ang pangarap ko para sa iyo" nanginginig na ang boses ni Linda kaya mas nagtaka si Lourina.

Pilot niyang hinanap ang mukha ng kaibigan kahit na nakatakip sa kanya ang isang tela. " Umiiyak kaba, Linda?"

"Malapit na tayo" tuwang-tuwa nitong sambit.

Unti-unti na silang nakalapit sa isang pintuan, ang pintuan ng kwarto ni Vaughn.

Nakaramdam nang kaba si Lourina ng hindi malaman kung bakit, pero hindi nalang niya ito pinansin.

Binuksan na ni Linda ang pintuan, tinulungan naman siya ni Nataniel na ipasok sa loob si Lourina.

"Bakit amoy bulaklak dito?" nauna niyang naamoy ang bulaklak dahil sinalubong siya nito.

Naghihintay si Faustino sa Veranda. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya na makikita niyang muli ang nag-iisang babaeng bumihag ng puso niya.

Inalis na nang mag-asawa ang nakatakip sa mata ni Lourina, humarap sila sa kanya.

Unang napansin ni Lourina ay ang isang lalaking nakatingin sa kanya mula sa isang pinto na nakabukas. Hindi alam ni Lourina ang gagawin, nilingon niya ang kaibigan niyang mag-asawa tila ba nagtatanong. Ngunit umiiyak lang ang mga ito.

Umiyak na rin siya dahil hindi niya mawari kung totoo ba ang nakikita niya o isa nanamang panaginip.

Lumapit si Faustino sa gawi nilang tatlo. Nanatili ang paningin ni Lourina sa kanya.

"A-a-anong ibig s-sabi-h-hin nito?" nahihirapan siyang magsalita dahil sa gumagaralgal na ang boses niya.

Walang nagawa si Linda kundi yakapin ang kaibigan niya.

"Lourina, siya yan. Hinintay ka niya noon pa" lumuluha pa rin ito.

Tuluyan nang nakalapit si Faustino sa kanya. May dala itong bulaklak at nakasuot rin nang pormal na damit gaya ng iba.

Marami na ring luha na pumapatak sa mata niya. "Lourina" hindi niya alam ang sasabihin niya o gagawin nang makita niya ito.

"Faustino" hinawakan ni Lourina ang mukha niya para masigurado kung totoo ba talaga siya.

Nang malaman niyang hindi panaginip ang lahat, mabilis niyang niyakap si Faustino. Humagulgol siya sa balikat nito.

"Faustino, mahal ko"

"Ako nga, Lourina"

Naging emosyonal silang apat na naroroon. Muli silang nakumpleto.

"Masaya akong nabuo muli tayong apat" tinig iyon ni Nataniel.

"Lalabas muna kami para makapag-usap kayo" nakipagbeso si Linda sa dalawa bago lumabas.

Dinala ni Faustino si Lourina sa inihandang sorpresa. Nagsimula na silang mag-usap.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon