KABANATA 48

166 20 1
                                    

-No Response-

It's 10 pm, pero wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa kanya.

Me:
Hi, how is it goin'?

Huy kala ko ba tatawag ka?

Honey, I miss you.

Mr. Borromeo???

It's 10pm, where are you?

Gosh! You're making me feel nervous.

JASON VAUGHN BORROMEO!!!

HONEY???

Oh gosh, I can't sleep...please answer me.

It's 11 pm! You're not answering my calls.

You can resist me, huh?

Sobrang busy ka ba? You can tell it to me. Baka nakakaabala ako.

Patuloy ko pa rin siyang tinatawagan hanggang sumapit na ang alas dose.

Me:
You're so mean.

Baka may babae kana diyan?

I hate you!

Don't talk to me.

Bye.

Pero patuloy pa rin akong kinakabahan sa maaring ginagawa niya.

Kanina naman nung kausap ko siya sa sobrang ingay doon hindi ko na maintindihan. Kaya nag-usap kami sa pamamagitan ng text.

Pero kanina pa yun! Nasaan na kaya siya? Akala ko ba 10pm uuwi na siya. OA lang ba ako? Baka naman naging abala lang siya doon.

Patuloy akong tumatawag sa kanya hanggang alas dose.

Hindi kona kinaya dahil hilong-hilo na ako, kaya bukas nalang siguro.

Wala naman siyang ugali na hindi sumagot sa text at tawag ko. Lalo na kapag ako ay sasagutin niya kaagad. Ganoon ba siya ka-busy?

"Hello? Bakit gising kapa?" tinawagan ko na si Iza dahil kung ano-ano na pumapasok sa isip ko, pero hindi siya sumasagot kaya si Alja mabuti nalang gising pa.

"Si Vaughn.."

"Napano?" sa tingin ko namulagat ang mata niya nang sabihin iyon.

"Hindi pa tumatawag o text man lang. Sabi niya tatawag siya nang 10pm, dalawang oras ko na siya hinihintay"

"Tinawagan mo na ba?"

"Oo, pati text pa!"

"Baka naman busy lang siya?"

"'Diba kahit busy siya sasagutin niya ako?"

Kahit anong mangyari mayroon at mayroon siyang oras para sa akin, gaya nang lagi niyang sinasabi at pinapakita.

"Sabagay"

"Kung ako sa'yo matutulog nalang ako. Sa tingin mo ba lolokohin ka nun? Maski ako na hindi jowa malaki ang tiwala sa kanya eh" sabi pa niya.

Tama siya doon. Bakit ba ako nag-iisip ng ganito, una sa lahat alam ko naman na mabuti siyang tao at mapagkakatiwalaan.

"You're right. Thank you"

"Huwag kang iiyak. Matulog kana kundi sisigawan ka ni Iza kapag nalaman niya"

Gaya nang napag-usapan. Natulog na ako sa oras na iyon. Yun lang naman ang magagawa ko eh.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now