KABANATA 58

141 18 2
                                    

-You left me, again-

Jason Vaughn's POV

Nagsasalubong ang mga kilay ni Eunice ngayon dahil natalo daw siya.

"It's okay" isang salita ko palang umayos ang awra niya.

"Talaga ba? Hindi ka galit dahil natalo ako?" tanong niya sa akin.

"Bakit ako magagalit?"

"Sabagay. Basta hatid mo na ako, thank you for supporting me" niyakap pa ako nito.

I hugged her back, kaya naramdaman kong ikinagulat niya iyon.

Lagi kong iniisip si Lori, wala naman atang isang minuto na hindi siya iniisip ko. Pero ngayon, sa tingin ko mali ang ginagawa ko dahil nasa harapan ko na ang mapapangasawa ko kaya dapat siguro sa magiging anak namin ako magbigay ng pansin.

"Did you just--" gulat na gulat niyang sabi.

"Yeah, let's go"

Mula sa malayo, kumaway ako sa mga kaibigan ko bago sumakay sa kotse ko.

"Dinatnan kana ba ngayong buwan?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho.

"Hindi pa.."

"Really?"

"Yeah"

Dapat kahapon o ngayon siya magkakaroon. Pero wala pa rin.

Hinatid ko muna siya bago ako umuwi. Sabi nang magulang niya na pumasok muna ako pero sabi ko inaantok na ako.

"Goodnight. Thank you"

"Yes. Goodnight"

Iniisip ko pa rin talaga kung anong napag-usapan ni Kent at Lori kanina habang nakasilip sa backstage.

May bagay si Kent malapit sa amin pero dito muna siya tumutuloy dahil wala siyang kasama doon.

"Hey, Bro!" pagbati ko sa kanya nang makita siyang pumasok.

"Just got home?" he asked.

"Yeah"

Mukhang wala naman siyang balak sabihin kaya hinayaan ko nalang na pumunta siya sa kwarto niya.

Ilang araw na ang lumipas nang matapos ang pageant. Maraming nakuha si Eunice na awards pero mas marami ang kay Lori.

Mabilis na rin na tinapos ang klase dahil nga masyadong napagod ang mga studyante sa nakaraang buwan, pinagsabay sabay na kasi para chill nalang kapag dumating ang araw ng Ms. MU

Nandito ako ngayon sa paborito kong lugar.

Umaasa na makita siyang muli, pero malabo na dahil nalaman kong gusto na niyang tuluyang makalimot lalo na sa mga bagay na tungkol sa akin.

Masaya ako doon, pero nasasaktan din naman. Bakit ko pa nga ba binabalikan? Eh hindi na siya babalik.

"Look who's here" narinig kong tinig ni Iza.

Aalis na sana ako nang pinigilan niya ako. Hindi ko siya maintindihan sa ginagawa niya pero hinayaan ko nalang.

"Huwag kang mag-aalala, gusto lang naman kitang kausapin"

Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Tumabi naman siya sa akin.

"Are you sure?"

"Oo naman haha" tinawanan pa ako.

"Alam mo ba na galit ako sa'yo, pero ikaw ang nandito kaya pakinggan mo ako"

Hindi ko alam kung nakainom ba siya o talagang mayroon lang siyang pinagdadaanan.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now