KABANATA 7

405 72 10
                                    

-FRAME-

Friday na.

Wala kaming pasok nang umaga tuwing Friday, naisipan na lang namin ni Iza na mag-stay sa bahay nila.

Malaki itong bahay nila, mansyon eh. Iba ito sa bahay nila malapit sa skul na kapitbahay namin.

"Oy, Lori. Nagchachat pa rin sa akin si Joaquin, dito ka basahin mo" hinila niya ako papalapit sa tabi niya.

Joaquin: Iza, please help me. Gusto kong makausap si Lori.

Joaquin: Please. Sabihin mo na magbabago na talaga ako kapag kinausap niya ako.

Joaquin: Ask her to forgive me.

Joaquin: Iza...please? Kapag kinausap niya ako at hindi na niya ako matanggap. Babalik na ako sa US. I promise hindi ko na sya guguluhin.

Joaquin: I'm sorry and I mean it.

Inalis ko na harap ko ang phone ni Iza.

Nakakairita na, nakakasawa na. Paulit-ulit na sorry pero parang hindi ko po din siya kayang patawarin. Malapit ko na siyang mapatawad eh, kaso mas pinalala niya pa ang sitwasyon.

"Anong balak mo? Kapag kinausap mo daw siya ay mananahimik na."

"Iza.. honestly? hindi ko alam kung kakausapin ko pa sya." nakayuko kong sambit.

May sama ng loob pa talaga ako kay Joaquin. Two years akong niloko. Ako naman two years nagpaloko. Hindi ko din kasalanan na kapag kausap ko siya sa mga calls or text ay ang sweet niya.

"W-What do you mean?" naguguluhan niyang tanong

Nilaro ko lamang ang mga daliri ko habang iniisip kung makikipag-usap pa ba ako kay Joaquin.

I still love him. Pero hindi na sapat ang pagmamahal ko na iyon para balikan siya.

Lalo na sa ginawa nya. Sa tingin ko ay hindi ko na siya mapapatawad.

"Is it because of what happened?" si Iza.

Yes. I told her everything. That Joaquin almost raped me.

Izabele is my bestfriend. We promised each other that our friendship will last forever. Kaya bawat problema o ano man na ganap sa buhay ko ay alam niya. And of course alam ko din ang sakanya.

She is the bestfriend who understands your past, believes in your future, and accepts you just the way you are.

"But, Lori. Pag-isipan mong mabuti. Alam ko naman na ayaw mo nang mahirapan si Joaquin" ngumiti nalang sya akin and then humarap na sa phone nya.

I looked away. Tumayo ako nang mapansin ang frame, may limang bata na nakasuot nang SpongeBob na t-shirt.

"That was us" bulong ni Iza mula sa sala.

Lumingon ako sa gawi nya, inaayos naman nya ang speaker, pagkatapos nun ay nag-play siya nang Taylor Swift songs. Favorite Album namin sakanya is 'Speak Now'

'Long Live by Taylor Swift now playing'

Lumapit naman ako sa kanya. Hawak-hawak ang frame ng mga bata at kami raw ang naroon.

Kinuha ko ito nang picture gamit ang phone ko.

"Kailan pa ito?" I pointed the frame.

"When we were eight. 2008 I guess."

Kinuha ko naman ang chips na nasa mesa. Napatitig ako sa frame na hawak ko.

"Nasaan na ang mga kasama natin dito?"

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now