KABANATA 27

282 41 15
                                    

-Mama-

Nagising ako dahil sa isang ingay na narinig ko, hindi ko alam kung saan nanggaling. Kinapkap ko ang phone ko, tapos binuksan ko ang lamp. Pati na rin ang recessed lights para mas makita ko.

Tumingin ako sa orasan, alas dos palang pala nang umaga. Sigurado akong hindi dito sa kwarto ko ang kalampag na narinig ko. Magnanakaw kaya iyon?

Dahan dahan akong lumabas sa kwarto ko dala-dala ang flashlight galing sa drawer ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, bakit parang sobrang kinakabahan ako?

Naglakad ako sa hallway nang mga kwarto, una kong tinignan ang banda sa kanan ko, which is yung kwarto ni Kuya. Bahagya ko itong binuksan, wala naman akong nakitang mali kaya sinara ko nalang ulit.

Sumunod ako sa kaliwa ko ang kwarto ni Mama. Bawat hakbang ko papalapit doon ay sunod-sunod ang pagkabilis nang tibok ng puso ko.

"Ma?" halos pabulong kong tawag.

Unti-unti ko nang binuksan ang kwarto ni Mama. Nang mabuksan ko ito, tumambad sa akin ang isang babaeng nakaupo sa gilid nang kama.

Tumakbo ako nang mabilis papunta doon.

Nakit ko siyang nahihirapan na namang huminga. Umiiyak akong lumapit sa kanya.

"Ma, sandali lang ha. Kukunin kong yung nebu" hinanap ko ang nebulizer sa loob nang cabinet niya.

Nanginginig kong isinaksak ito saka ikinabit nang mabilisan kay Mama. Lumuluha si mama nang tignan ako.

Akala ko ay sapat na ang nebulizer kaya huminga ako nang maluwag. Pero nagkamali ako, konting hangin lang ang naging tulong nito sa paghinga ni Mama kaya nagsimula na akong mataranta s posibleng mangyari.

Tumunog ang phone ko, hindi ko na nakita kung sino iyon saka ko na sinagot.

"Hello? Lori? Are you okay? Feel ko kasi hindi ka okay kaya ako tumawag" tinig iyon ni Iza.

"Iza help me! Si Mama kasi-"

"Ano? Anong nagyayari diyan?" narinig ko ang pag-alala niya.

"Huwag mong ibaba please, teka lang" ini-louspeaker ko ang tawag para marinig ko siya.

"Anak..." hinawakan niya ang mukha kong basang-basa. "Ma..magi-ing mata-tatag k-k-ka.." mas humagulgol ako sa sinabi niya. Hirap siyang magsalita.

"Shh, Mama please wag kang magsalita nang ganyan.." todo parin ang pag-iyak ko.

"KUYAAAAA!!" hindi ko mapuntahan si Kuya dahil ayokong iwanan si mama kahit ilang segundo lang.

"Kailangan mo ba ako diyan? Pupuntahan kita"

"Hindi na" umiiyak kong sabi.

"KUYAAAAA!!! ATE MINA!!" tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos nang luha ko.

"Mahal...na..ma-h-ha-hal kita" tuluyan nang nawalan nang malay si Mama.

Hindi ko maipaliwanag ang emosyon na lumalabas sa akin, ang puso ko sobrang bilis nang tibok. Hindi ko alam ang gagawin ko....Basta ang alam ko lang ay ayaw ko siyang mawala.

"MA! WAG MA!" hindi tumigil sa pag-agos ang luha ko. "KUYA HERRON!!! TANGINA WAG PLEASE!"

"WHAT HAPPENED!?" sa wakas dumating na si kuya. Tinignan niya ako saka bumaling kay Mama. "MA! SHIT"

Nang makita niyang wala itong malay, binuhat niya na si Mama.

Dinampot ko ang phone ko, nandoon pa rin sa linya si Iza.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now