KABANATA 45

186 23 2
                                    

-Day 3 and 4-

Nagising akong natutulog pa si Mama at Papa. Katabi ko si Kuya, gusto sana niyang humiwalay sa amin, kaso hindi ko siya pinayagan dahil gugustuhin ko nalang na makatabi siya.

Alas dos palang pala ng madaling araw. Sobrang sakit ng tiyan ko. Kaya pumunta ako ng banyo baka kasi natatae lang ako.

Nang makaupo na ako, walang lumalabas. Ang then there's a stain on my underwear.

"Mama" pagtawag ko. Hindi ako makatayo dahil lalo lang itong madadagdagan. "Kuya"

Tinatawag ko sila para kahit sinong makarinig binigyan ako ng napkin and underwear.

Bumukas ang pinto, niluwa nito si Kuya.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.

"Kuya, can you get me a napkin and underwear. Nasa red kong pouch sa black bag"

Lumabas siya para kunin iyon. Hindi naman maarte si kuya, minsan nga siya pa ang nagbibili ng sanitary napkin ko dahil hindi talaga ako lumalabas sa tuwing nagkakaroon ako. Sobrang sakit kasi ng puson ko.

Inabot niya ang mga pinakuha ko, konti palang naman ang dugo sa underwear ko kaya baka labhan nalang ni Mama mamaya. Marami akong dala eh, sa isang araw kasi tatlong beses ako naliligo lalo na ngayong nasa beach kami.

"You okay?" alam kasi niyang grabe ang pagdaramdam ko sa tuwing magkakaroon.

"A little bit" humiga na ulit kami. Baka mamaya pagkagising ko mawala na ang sakit.

Nagising ako ulit nang alas siete, saktong wala na sila dito sa loob. Baka naghahanda na sila para sa hiking.

"Anak, ayos kana ba? Ang sabi ni Kuya mo masakit nanaman ang ano mo" tanong ni Mama na kagagaling lang sa labas.

"Hindi po. Kayo nalang siguro muna ang maghiking, Ma?" sigurado akong iindahin ko lang ang sakit kapag maghiking pa ako.

Umiling siya. "Edi ikaw lang ang maiiwan? Magpa-iwan nalang din ako"

Si Mama talaga!"Ma naman! Gusto mo yan 'di ba? Hayaan mo muna ako. Enjoy the day" sana naman kahit ngayon lang sumunod siya.

Pumasok si Vaughn sa kwarto, nagmano siya kay Mama pagkatapos nun ay lumapit sa akin.

"Kaya mo ba? Magpapaiwan nalang ako" sabi niya rin.

"Ano ba yan? Magpapaiwan kayo, tapos hindi niyo naman masusulit itong araw" kaya ko naman kasi eh. Kaya ko ba?

"Anak, marami pang araw. Tanungin natin ang kuya mo kung papayag siyang iwanan ka" lumabas na si Mama.

Kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Vaughn na dampian ako ng halik sa labi.

"Hindi ako masaya kapag hindi ka kasama" sinuksok niya ang ulo niya sa balikat ko.

Pumasok si Mama na kasama na ngayon si Kuya, nanatili kami sa ganoong posisyon. Pero hinarap namin silang dalawa.

"Bukas o sa susunod na araw nalang natin gawin ang mga gusto niyong gawin. Sa ngayon dito na muna tayo at magsaya" sambit ni Kuya. May napag-usapan kasi kami na siya ang masusunod dahil nga birthday naman niya.

Basta ako mananatili lang dito sa loob. Tatlong araw lang naman lagi ang dalaw ko kaya siguro masusulit ko pa.

Lumipas ang apat na oras, nandito parin si Vaughn sa tabi ko. Siya nagdadala nang mga kakainin ko tapos pilit niyang sinasabi kay Mama na ayos lang siya dito, siya nalang raw ang magbantay sa akin.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now