KABANATA 51

160 17 1
                                    

-How can I move on?-

Gumising kami nang alas dos nang madaling araw dahil 10am ang oras nang flight namin.

"Sigurado kana ha?" paninigurado ko kay Iza.

"Alam kong may pangako tayo sa isa't-isa na sasasama ka sa akin o sasama ako sa'yo kahit na akong mangyari, pero ngayon binibigyan kita nang pagkakataon na mamili" dagdag ko pa.

Sa lahat nang pagkakataon hangga't maari kaming dalawa ang magkasama. Pero ayokong diktahan ang desisyon niya sa buhay.

"Okay na kami, kaya gusto ko lang na samahan ka ngayon dahil kailangan mo ako"

Hinatid kami ni Kuya sa Airport. Hindi siya makakasama dahil walang aalalay sa kumpanya niya.

Kaya sa susunod nalang raw siya. Hindi ko po nababanggit sa kanila ang tungkol sa desisyon ko na bumalik sa US. Sigurado akong hindi papayag si Papa dahil nga mahihiwalay nanaman ako sa kaniya. Lalo naman kay Mama.

Nasa window seat ako nang makaupo na kami. Tulala lang ako sa buong biyahe namin. May mga oras pa nga na bigla nalang tumutulo ang luha ko.

I put my headphones on, nakinig ako nang Taylor Swift songs. Iyong Speak Now album niya.

Nasakto pa sa 'If this was a Movie' ito ang pinakamasakit para sa akin.

"Come back, come back, come back to me like
You would, you would if this was a movie

Stand in the rain outside 'til I came out
Come back, come back, come back to me like

You could, you could if you just said you're sorry
I know that we could work it out somehow
But if this was a movie you'd be here by now"

Kung nasa pelikula lang nga sana kami, baka mayroon pang tiyansa na magkabalikan.

But, he's a liar and cheater! Pero bakit hindi ko magawang magalit sa kaniya?

Akala ko kasi noon, kaya mayroong 'love' para maging masaya ang mga tao pero bakit puro sakit lang ang naidudulot nito sa akin?

Sana tama ang ginawa kong paglayo. Alam kong magiging hadlang lang ako sa inyo.

Mahal kita pero siguro hanggang dito nalang talaga tayo. Baka hindi nagkasundo ang kapalaran natin?

Natutulog ang dalawa kaya tahimik ang buong biyahe. Magkatabi naman si Mama at Papa.

Tinignan ko ang Instagram posts niya. Baka kasi inalis na niya ang mga litrato namin dito.

Sinimulan ko sa beach nila, kinuhanan niya ako doon nang hindi ko alam.

Nandito pala lahat nang alaala namin eh, nandito ang birthday party niya. Simula sa kinantahan ko siya hanggang sa sinagot ko na siya. Kaarawan ni Kuya Herron, mga outings namin. At kung ano-ano pa.

Hindi siya ganoon mahilig magpost sa IG niya kaya halos ako lahat ang makikita mo o magkasama kami kapag pinuntahan mo ang account niya.

"EHEM!" pinatay ko ang phone ko nang marinig si Alja.

"Malapit na raw tayo" sabi ko.

"Ah oo nga"

Pinuntahan ko naman ang akin, naalala ko sa bawat litrato ko ay siya ang kumukuha. Lalo na nung nasa beach kami.

Miss na miss na kita, Honey.

"Hindi mo pa ba idedelete yan?" si Iza ang nagtanong. Kung galit ako kay Vaughn, mas galit sila.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now