KABANATA 13

361 59 12
                                    

-LETTER-

*You have a way of coming easily to me
And when you take, you take the very best of-*

Nagising ako dahil sa ingay nang ringtone ko. Cold as you yan ni Taylor Swift.

Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ito.

"Hello?"

"Fauz? Ay jusko buti naman nagising kana, pasalamat ka wala tayong first class ngayon"

Si Iza lang pala.

"Walang Social Psych?"

"Wala! Kaya halika na dito sa bahay namin! May ikukwento ako"

"Ah sige. Maliligo na ako."

Nakita ko ang oras, alas syete na.

Mabilisan na akong naligo, baka kasi importante ang ikukwento ni Iza.

Umalis ako nang bahay na quarter to eight.

Kumatok ako sa pinto nina Iza. Agad naman niya itong binuksan.

Lumantad sa akin Iza na nakasimangot.

"Anong mukha yan?"

"Pumasok ka muna kaya" nag-iba ang ekspresyon niya.

Umupo kami sa kama niya. Kinuha niya ang cellphone niya.

"Alam mo these days napapansin ko na kapag magkasama tayo lagi mong hawak yang phone mo" akma ko na sanang kukunin pero iniwas niya. "Ano bang meron ha? May tinatago ka ba sa akin?"

"Halata ba?"

"What do you mean?"

"Sabi mo baka may tinatago ako saiyo. Kaya halata ba?"

"Oo!"

"Eh kasi...ano"

"Ano?"

"Si ano kasi"

"Sino?"

"Ka ano ko"

"SIGE BWISET KA ANO ANO KA DYAN!" naiirita kong sigaw

"SI CALEB KASE KACHAT KO!" sigaw din niya.

"Weh? Seryoso? Yung crush mo na kaklase natin? Ano sabi?" sunod-sunod kong tanong.

"Teka lang, isa-isa muna"

"Una, siya yung nagchat. Siyempre ako crush ko siya kaya nagreply ako. Nagtatanong siya about sa topic natin"

"Tapos?"

"Yun! Hanggang sa naging friends tapos kachat ko na lagi"

"Kelan pa yan aber?"

"Nung ano, nung last kang pumunta sa mansiyon"

Hinampas ko siya sa braso.

"Aray ko naman, Faustina! Hilig mong manghampas"

"Dapat lang sayo yan! Hindi mo man lang sinabi sa akin" pagtatampo ko"Akala ko ba walang sikreto ha?" emosyonal ko kunwaring sabi.

"Kaya nga sinabi kona eh"

"Paki ko" pagtatampo ko.

Umalis ako sa kama niya, lumabas ako saka pumunta sa kusina nila para uminom nang tubig.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now