KABANATA 55

137 20 0
                                    

-Pageant-

SA ilang araw na natitira, naghanda lang kami sa timpalak. Hindi na nga ako nakakapasok dahil dito eh, pero excuse naman raw ako.

"Rampa ulit tapos from the top na"

Sumasakit sa ang Paa ko sa matataas na takong na ito. Pero hindi ko pwedeng indahin dahil magagalit ang nagtuturo sa akin, ayokong masigawan no!

"Ayan, pakilala ka" bawat galaw namin binabantayan niya.

Mabait naman siya dahil bakla pero masungit lang sa tuwing nagtuturo na para magseryoso raw kami.

"Tatandaan ninyo kung kailan kayo papasok at kailangang lumabas. Huwag ninyong hahayaan na matapilok kayo dahil masakit yun" paalala pa nito bago namin simulan muli.

Kung noong mga nakalipas na araw ay nakapapasok pa kami nang dalawang klase o tatlo, kahapon at ngayon puro ito nalang ang inatupag naming mga kumakandidato.

"Hanggang alas sais tayo dito. Walang maarte" sambit niya, narinig na niya kasing nagrereklamo ang iba.

Gusto ko ring magreklamo, kaso nga lang ano pa bang magagawa ko?

"Si Fauz, dumudugo na ang Paa" napatingin ako sa Paa ko nang marinig ang sinabi ni Joaquin.

"Gago! Hayaan mo na, itutuloy pa natin" bulong ko sa kanya para manahimik siya.

Kaso huli na ang lahat, nakatingin na sila sa amin.

"Come here, huwag ka na muna mag-practice. Panoorin mo nalang kami" nag-aalalang sambit ng instructor namin.

"Ayos pa naman po ako" inaalalayan ako ni Gab papunta doon.

"Ayos lang din ba sayo na hindi kana makalakad bukas?"alam kong tanong lang iyon pero bakit parang nakakakaba.

Kailangan ko pa itong ipanalo para payagan ako ng mga kaibigan ko sa kagustuhang umalis.

"Uupo na nga po talaga ako eh" umupo na ako kaagad. May lumapit sa akin na nars para gamutin ito.

Paltos lang pala, pero hindi naman dumudugo, konti lang dahil sa sobrang pula. Napansin siguro ni Joaquin dahil maputi ako.

"Okay, ang sabi ni Dean" napatigil sila sa pagrampa.

"Hanggang alas kwatro lang daw tayo dahil mag-aayos na pala dito"

May stage kasi dito sa University, sa sobrang laki ba naman. Minsan nga ang ibang unibersidad dito gumagawa nang mga okasyon.

"So, uuwi na tayo! Alam na ninyo ang gagawin niyo bukas ha? Dapat lagi ninyong isipin na kaya ninyo, para hindi kayo mawala sa pokus"

Pumalakpak kaming lahat. Bago umalis nagpasalamat kami sa tiyaga niyang pagtuturo sa amin kahit na stress na stress na siya.

Siyempre may regalo kami sa kanya na hindi niya inaasahan. Binigyan ko siya nang bagong sapatos.

Nakita ko kasing mahilig siya doon at sa bawat araw ay iba-iba ang suot niya. Kaya ayan, para maidagdag sa collection niya.

"Salamat! Kayong lahat sinusuportahan kong talaga. Do your best!"

Umalis na kaming lahat doon, nasabi ko na kasi kina Iza na hanggang alas sais kami kaya hindi na ako pasusundo.

Habang naglalakad ako, nakakita ako nang magkasintahan na naghahalikan.

"You good? Gusto mo ihatid kita sainyo?" natakpan naghahalikan nang harangan ni Gab iyon.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now