KABANATA 62

115 16 0
                                    

-Believe me--

Three years ago....

"Anak, bakit hindi ka pa pumunta sa engagement party?" GALIT na tanong ni Dad sa akin.

Alam kong galit sila ngayon sa akin dahil napahiya sila sa lahat nang taong nandoon. Hindi pa naman ito tapos at sigurado akong ako nalang ang hinihintay

"Dad! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko siya nabuntis" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Son! Huwag kang ganyan sa Dad mo!" Mom forbade me.

"Mom, hindi ba ninyo nahahalata na hindi lumalaki ang tiyan niya kahit tatlong buwan na!"

"Anak, don't shout"

Lumabas ako sa kwarto ko dahil hindi ko kayang sagutin nang ganoon ang mga magulang ko. Buong buhay ko naging mabuti sila sa akin ayoko namang gumanti nang ganito. Mayroon akong respeto bilang anak.

I decided to go there, mas mabuti pa siguro kung malalaman nilang lahat ang totoo.

Lahat nang bisita napunta sa akin ang atensyon lalo na nung umakyat na ako sa entablado, kinuha ko sa tagapagsalita ang mikropono.

"Thank you for sparing some time to come here in this stupid engagement party. But I'm sorry to disappoint you, because no more marriage will take place"

Maraming bulungan ang narinig ko mula sa  mga bisita, inaasahan ko na ito alam ko na naman ang maaring mangyari.

"Vaughn! What are you talking about?" umakyat na rin si Eunice para komprontahin ako.

"Gusto mo bang sabihin ko sa kanila yung totoo?" ayokong sirain ang imahe niya lalo na't mayroon akong reaspeto sa mga babae.

"What is it? Enlighten us!" ani nang isang kasosyo namin.

Dumating na sina Mommy tinignan nila ako na tila bang sinasabi na bumaba na ako sa kinatatayuan ko ngayon. 

"I'm sorry, we just have a misunderstanding" sagot nito doon sa nagtanong.

"Ayaw mo bang malaman nila ang ginawa mo? Ang pagsira mo sa buhay ko para lang makuha mo ang gusto mo? Masaya kana ba dahil wala na kami ni Lori?"

Humapdi ang kaliwang pisngi ko, dahil naramdaman ko ang palad niya sa mukha ko.

Oo! Nasaktan ko siya sa mga sinabi ko ngunit hindi sapat ang lahat nang iyon sa araw-araw na pagdurusa ko...

"I-i-I don't know what are you talking about!" paninigurado pa niya sa akin. Sa tingin ba niya maniniwala ako?

"Hindi mo alam? Hindi mo alam ito?" pinakita ko sa kaniya ang bidyo na pinadala sa akin ni Kristine.

"Where did you get that?" nanginginig niyang tanong.

"Hindi ka pa ba aamin? O gusto mong ipakita ko pa sa kanilang lahat ang kababuyan mo?"

"Please don't....I'm begging you"

"Tell them the truth!"

Humarap siya sa mga tao. Kinuha niya sa akin ang mikropono na hawak ko.

"That's true, sinira ko ang relasyon nila ng taong mahal na mahal niya dahil naiinis ako sa babaeng iyon. Lagi akong nagtatanong sa sarili ko kung bakit hindi ako nagugustuhan ni Vaughn kahit na lahat nang gusto ko'y nakukuha ko. Pero nung dumating si Lori, agad siyang niligawan ni Vaughn. Kaya naisip ko na aagawin ko siya sa kaniya dahil noon palang pinagkasundo na kami" emosyonal niyang sabi. Hindi ko nakikita na nagpapaawa siya sa mga ito pero hindi ko siya masisisi kung ganoon ang mararamdaman niya.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon